Kapamilya leading men at ladies, magpapatalbugan sa pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay!
MANILA, Philippines - Ipagdiwang ang Pasko ng Pagkabuhay ngayong Linggo (Abril 8) sa nakabubuhay na Easter Party ng ASAP 2012 na pangungunahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na music icons ng bansa na sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Vina Morales at Martin Nievera.
Tiyak na kikiligin ang mga kababaihan sa isang espesyal na handog ng mga naggwagwapuhang Kapamilya leading men na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Luis Manzano, Sam Milby, Enchong Dee, Rafael Rossel, Jake Cuenca, Gerald Anderson at John Lloyd Cruz. Hindi naman magpapahuli ang mga naggagandahang dilag na sina Toni Gonzaga, KC Concepcion, Cristine Reyes, Iza Calzado, Nikki Gil, Kim Chiu, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Maja Salvador, Karylle, at Julia Montes na may baon ding mainit na performance para sa mga Kapamilya.
Sasabog naman ang galing at talento sa pag-awit sa world-class concert experience na ihahandog ng ilan sa mga pinakamagagaling na mang-aawit na sina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Arnel Pineda, Billy Crawford, Erik Santos, Jed Madela, Christian Bautista, ASAP Sessionistas, ASAP BOYS ARE BOYS at ang ASAP Pinoy Champs.
Samantala, makiindak at makihataw sa malulupit na dance moves nina John Prats, Gab Valenciano, Rayver Cruz, Iya Villania, Enrique Gil, Empress, Jessy Mendiola, Sam Concepcion, XB Gensan, Nielbeth, Velasco Brothers, at ang G Force sa Supahdance.
Salubungin ang Easter Sunday kasama ang 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na ASAP 2012 ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN.
- Latest