^

PSN Showbiz

Pagiging alagad ng Diyos ni Manny, pinagpupustahan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Aware kaya si Manny Pacquiao na marami ang hindi favor sa kanyang ginagawang pagpi-preach?

My ilan pang nagpupustahan na hindi naman daw magtatagal si Rep. Manny sa pagiging Christian at babalik din daw ang sikat na boksingero sa dati niyang gawi.

Ang iba pumupusta, hanggang limang taon lang siyang ganyan, pero meron din naman silang sariling hula na three years lang.

Ang puna pa nila bakit sa mga network lang siya nagsi-share, bakit hindi sa mga lugar ng mahihirap.

Well, mahirap humusga lalo na nga’t kinakarir sa kasalukuyan ni Rep. Manny ang pagpapakalat ng Salita ng Diyos.

Mas maigi sigurong hayaan na lang natin siya sa kanyang ginagawa. Lalo na nga’t panahon ng Santong Araw.

Moron 5 masang-masa!

Masang-masa ang pelikulang Moron 5 and the Crying Lady. Ka-level ito ng pelikulang Praybeyt Benjamin and Pet­rang Kabayo bilang iisa naman ang director ng mga nasabing pelikula.

Pinagbibidahan nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, and Martin Escudero with John Lapus as Crying Lady, ang pelikulang produced ng Viva Films.

Isang buong barkada ang lima sa pelikula na saksakan naman ng purol ng mga utak kaya sila napapahamak hanggang makulong nga sila. Pero nagpilit silang tumakas dahil napagbintangan lang naman silang pumatay. Hinanting nila ang nagpakulong sa kanila na si John.

Mula elementary, tropa na sila at mga bata pa lang, bobo na talaga sila. Hanggang sa mga magbinata sila, hindi nagkalaman ang memory bank ng lima. Kaya naman inabot sila ng ilang taon bago naka-graduate sa high school.

Nakakaaliw ang mga dialogue nila sa pelikula. Effective naman silang lahat including John Lapus na may monologue scene pa sa bandang ending ng movie. Magaling naman siya at na-carry ang pagiging ‘crying lady.’

Magkaiba siyempre talaga sila ng acting ni Vice Ganda, pero hindi naman paiiwan si John.

Sa part ng limang ‘bobo,’ nakakagulat na parang hindi na­tural na boses ang ginamit ni Billy sa pelikula. Oh baka naman kasi nahihirapan siyang mag-Tagalog kaya ganun.

Pero iba pa rin ang atake ni Luis pagdating sa pagpapatawa. Natural ang pagka-komedyante niya.

May special apperance si Nikki Gil sa ATM machine at si Jennylyn Mercado sa preso.

Kuhang-kuha ni Direk Wenn Deramas ang kiliti ng masa na kitang-kita sa latest movie niya na Moron 5 and The Crying Lady na palabas sa Sabado de Gloria.

Grand Reunion Ng Rizal National High School

Nag-iimbita ang Rizal National High School (Rizal Sta. Elena Camarines Norte) para sa   Grand Alumni na gaganapin sa Sabado, April 7, 2012 sa Rizal National Quadrangle. Inaanyayahan ang mga nagtapos mula noong 1972 hanggang ngayong 2012. Tema ng Grand Reunion : Kita Kits sa Rizal.

For more information please call 09465854637 at 09462402071.

Ang Rizal National High School ang aking pinagmulang eskuwelahan. Sadly, hindi ako makaka-attend.

 

ANG RIZAL NATIONAL HIGH SCHOOL

BILLY CRAWFORD

CRYING LADY

ELENA CAMARINES NORTE

JOHN LAPUS

LEFT

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with