Maui Taylor may dalawang movie para sa Cannes
Matagal na nating hindi nakikita ang Viva Hot Babe na si Maui Taylor pero hindi ibig sabihin ay tumigil na siya sa pag-aartista. Very much active pa rin ang very sexy star.
Katunayan meron siyang ginawang dalawang indie film na parehong kalahok sa Cannes Film Festival. Ang isa ay The Taste of Money na kinunan ng buung-buo sa Korea at nagtatampok din sa mga artistang Koreano. Ire-release ito ng Viva International at mapapanood sa May 13.
Hindi lamang sa pelikula ibinubuhos ni Maui ang kanyang panahon. Tumatanggap din siya ng mga shows na kung saan ay kumakanta siya’t sumasayaw. Ngayong gabi ay mapapanood siya sa PAGCOR Angeles, Pampanga. Sa April 14 naman ay magkasama sila ni Nyoy Volante sa isang musical show sa Teatrino, Greenhills.
Hangga’t may nanonood at tumatangkilik sa kanya ay hindi titigil sa kanyang pag-aartista si Maui. Kung ang iba niyang kasamahang Hot Babes have either retired or occasionally seen na lang on TV, she chooses making movies. ’Yung paglabas sa mga shows ay dati na rin naman niyang ginagawa. The offers are still plenty. Kung kinakaya ng paahon niya ay wala siyang pinalalampas.
Cesar mas feel ang arts an culture
Hindi naman tahasang tinanggihan ni Cesar Montano ang offer ni Presidente Noynoy Aquino na pamunuan niya ang Optical Media Board (OMB) na kasalukuyang nasa pamumuno ni Ronnie Ricketts. Kaya lang kung puwede siyang pumili ay mas gusto niyang trabaho ’yung may kinalaman sa arts and culture. Kahit sino ay puwedeng mamuno sa OMB, hindi kinakailangang isang artista. Kung tutuusin, hindi ang posisyon ni Ricketts ang unang pinapapalitan sa kanya kundi ang posisyon ni John Lesaca na isang board member ng ahensiya.
Naniniwala si Cesar na maganda naman at kinakaya ni Ricketts ang kanyang trabaho sa OMB. Sa kasalukuyan, hinihintay ni Cesar kung saang trabaho sa gobyerno siya magiging mas epektibo at walang masasagasaang sino man.
Derek maraming makakapalit sa Kapamilya
Natuloy din pala si Derek Ramsay sa TV5. Ibig sabihin lamang, hindi naging maganda ang naging usapan nila ng ABS-CBN.
Kung sabagay, maraming mapaglalagyan sa box-office star sa kanyang bagong network. Kakaunti pa naman ang talaan ng mga artista sa Singko kaya makakapamili pa si Derek ng proyekto. Maganda naman ang naging imahe niya at performance sa iniwan niyang istasyon kaya magagawa pa niyang makipag-bargain.
Malaking kawalan siya kung tutuusin sa ABS-CBN pero hindi kapos sa artista ang istasyon kaya meron at meron silang makukuha para pumalit sa kanya sa mga nakatakdang proyekto sana sa kanya ng Dos.
Visita Iglesia nagiging bonding ng pamilya
Nabasa ko sa column ni katotong Nestor Cuartero na hindi pala Huwebes Santo ang tamang araw para mag-Visita Iglesia. Inilalabas sa araw na ito ang Blessed Sacrament para makita at pagnilayan ng lahat. Kaya dito dapat nakatuon ang pansin ng lahat at hindi sa pagpunta sa mga simbahan.
Kung bakit Huwebes Santo ginagawa ang pag-Visita Iglesia sa atin ay hindi ko rin alam pero ito na ang tradisyong nakagisnan ko at sinusunod sa loob ng matagal na panahon. Kung ilang istasyon ng Krus meron, ganundin karami ang pinupuntahan naming simbahan. Hanggang sa mabuo ko ang Station of the Cross. At ginagawa namin ito ng mga kaibigan at pamilya ko.
We have visited the churches in Laguna, Bulacan, Quezon City, and Manila. Last year ay mga simbahan sa Novaliches at Fairview. Bukas, ewan ko kung nasaan kami. Paplanuhin pa namin mamaya.
Ang Visita Iglesia affords us the chance, hindi lamang ang mairaos ang aming observance ng Holy Week. Naisasabay din namin ang pagba-bonding with family and friends. Nasisimulan din naming maituro sa mga batang kasama namin kung bakit hindi lamang iisa kundi maraming simbahan ang pinupuntahan namin at kung ano ang Mahal na Araw.
KC nai-excite kay Jules
Good for KC Concepcion to be dating again. Tama ’yung nagsabi na isa ring lalaki ang mabilis na makakagamot sa isang broken heart. Hindi maitago ang excitement ni KC sa espesyal na atensiyon na ipinakita sa kanya ni Jules Knight ng grupong Blake. Sana nga makabalik agad ang British para lubusan nang ma-heal si KC.
- Latest