Dahil sa bisyo, showbiz personality tsugi sa work!
Na-sad naman ako sa balita na may malaking problema ang isang showbiz personality kaya nawalan ito ng work.
Seventeen years ago nang makilala ko ang showbiz personality dahil nagkasama kami sa isang retreat. Mabait at masayahin ang showbiz personality na naging in demand dahil masipag at magaling siya.
Nalaman ko noong isang araw na jobless ang showbiz personality. Natsugi siya sa work dahil sa isang masamang bisyo na bad for the health at bad for the economy.
Sayang ang God-given talent ng showbiz personality kung tuluyan siyang magpapatalo sa kanyang pangit na bisyo. Baka mahirapan siya na makabalik sa sirkulasyon, lalo na ngayon na dumaraan siya sa mga matitinding pagsubok.
Pip hindi pa mukhang 60
Ngayon ang 60th birthday ni Tirso Cruz III pero wala sa kanyang itsura na senior citizen siya dahil bagets pa rin ang kanyang face.
Marami ang na-confuse sa actual date ng kaarawan ng mister ni Lyn Ynchausti dahil nakalagay sa Internet na May 4, 1952 ang araw ng kanyang kapanganakan.
Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng mga nakalagay o naka-post sa Internet dahil hindi ito accurate.
April 1, 1952 ang totoong birthday ni Pip, ang No. 1 matinee idol noong kasikatan ng love team nila ni Nora Aunor.
Next year, si Nora naman ang magdiriwang ng kanyang 60th birthday at dapat itong paghandaan ng mga Noranians. May 21, 1953 ang kaarawan ni Nora at six months older siya kay Batangas Governor Vilma Santos na November 3, 1953 naman ang birthday.
Sixty years old na si Ate Vi sa susunod na taon at this year, ipagdiriwang niya ang kanyang 50th anniversary sa showbiz.
Bukas na ang Sen. Loren may message sa Holy Week
umpisa ng Holy Week at gaya nang nakagawian ni Senator Loren Legarda, may Holy Week message siya para sa lahat:
“This Holy Week, we are reminded of the great compassion of our God and the blessing of forgiveness for those with penitent hearts.
“Let this be a chance for all of us to take a pause from our busy lives and reflect on what genuinely matters – our faith, our values and our mission.
“May the lessons of Christ’s sacrifice remind us to remain steadfast in our commitment to serve others.
“Let us pray for our families, communities and nation to be resilient to the many challenges we are facing.”
Samantala, gumawa uli ng kasaysayan si Mama Loren dahil number one bet siya sa mga senatoriable sa 2013 elections, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Pinagkakatiwalaan pa rin si Mama Loren ng sambayanang Pilipino dahil sa mahusay na performance niya sa senado.
Hindi ko ikinakaila na supporter ako ni Mama Loren dahil sa mga achievement niya bilang public servant.
Ang mga katulad niya ang kailangan ng ating bayan. Ibang-iba siya sa mga pulitiko na puro pagpapapogi lamang ang nalalaman.
Kung nanonood kayo ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, tiyak na nakita ninyo ang husay at matalinong pagtatanong ni Mama Loren sa mga witness ng defense at prosecution team.
- Latest