^

PSN Showbiz

Barbie nag-bikini na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Wala si Barbie Forteza sa storycon ng comedy show na Tweets for My Sweets dahil nagti-taping ng summer episode ng Tween Hearts sa Mataas na Kahoy, Batangas. Sabi ni Barbie, ’yun ang summer episode na umuulan pero tuluy-tuloy ang taping ni Direk Gina Alajar.

Nag-two-piece swimsuit daw si Barbie, pero sabi nito may shorts siya, abangan na lang sa airing kung alin ang totoo. Ipinagmalaki nitong nag-diet siya para paghandaan ang pagsusuot ng swimsuit at mukhang successful siya.

Paano niya papayapain ang mga fans nila ni Joshua Dionisio na nagre-react dahil si Elmo Magalona ang makakapareha niya?

 “Ang hirap paliwanagan ng iba at kahit sabihin kong work lang ito at ’di personal. Ang iba tanggap na pumareha ako sa iba, may tiwala sila sa akin at thankful ako. Sa ’di nakakaintindi, thank you na rin na kahit paano, concerned sila sa love team namin ni Josh at ayaw nilang paghiwalayin kami,” sabi ni Barbie.

Aminado si Barbie na napi-pressure siya sa fans nila ni Joshua dahil hindi lahat ay napi-please nila pero sumusunod lang siya sa GMA 7. Sabi ng tween actress ang network ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin. Ang alam ni Barbie, hindi talaga sila partner ni Elmo at wala ring dapat ikagalit sa kanya ang mga fans nito at ni Julie Ann San Jose.

After Barbie, si Joshua ang na-interview namin na inaming nalulungkot at disappointed siya sa move ng GMA 7 na ipareha si Barbie kay Elmo sa Tweets for My Sweets. Concerned siya sa mga tagahanga nila na nalulungkot.

“Hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman nila dahil matagal na silang followers ng love team namin ni Barbie. I just hope may plano ang network kaya nila pinaghiwalay kami ni Barbie. Wala naman silang sinabing paghihiwalayin kami,” pahayag ni Joshua.

Joel Lamangan pipirma ng three-year contract sa Kapatid

Kung walang makakapigil, pipirma na rin sa TV5 si Joel Lamangan. Three-year exclusive contract din ang offer sa direktor, gaya kay Direk Mac Alejandre at sabi ng isang source ay malapit na itong pumirma.

Alam ni Direk Joel na hinihintay lang ng GMA 7 na tapusin niya ang Valiente dahil ito ang usapan nila ng network pero kung tatanggapin ang offer ng TV5, hindi muna siya makakabalik sa Channel 7.

Kris Bernal ginagamit-gamit ang bag na bigay ni Jolo

Gamit ni Kris Bernal ang Balenciaga bag na regalo ni Jolo Revilla sa presscon ng Afternoon Primetime Block ng GMA 7 na kasama ang tinatampukang Hiram na Puso. Hindi sinagot ng aktres ang opinion ng press na takot siya sa commitment, kaya nakikipag-break o kaya’y pinapatigil ang manliligaw.

Trabaho ang focus niya ngayon at nagpapasalamat sa mataas na rating ng Hiram na Puso, kaya lalong ganadong magtrabaho. Happy ito dahil hindi siya mali-link sa leading man niyang si Mark Herras dahil may girlfriend na ito.

Mabait na leading man si Mark at proud siya rito dahil nakikita niyang seryoso ito sa trabaho at kinakikitaan niya ng pagiging sensitive actor. Nagkasama na sila sa Time of My Life, kaya komportable na sa isa’t isa.

Wala na ring pag-asang magkabalikan sina Kris at Jay Perillo dahil happy na ang ex-BF niya sa piling ni Gretchen Espina. Okay silang dalawa, friends pa rin sila at masaya siya para rito na may love life.

vuukle comment

AFTER BARBIE

AFTERNOON PRIMETIME BLOCK

BARBIE

BARBIE FORTEZA

DAHIL

JOEL LAMANGAN

KRIS BERNAL

MY SWEETS

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with