^

PSN Showbiz

Anak ni Katrina may bank account na agad!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Na-miss ni Paolo Bediones ang pag-host sa reality show kaya sobrang excited siya sa Extreme Makeover: Home Edition Philippines.

Ilang taon din siyang nag-host sa Extra Challenge at Survivor Philippines, kaya nang binigay sa kanya ng TV5 ang Extreme Makeover, tuwang-tuwa siya dahil bumalik sa kanya ang dati niyang ginagawa sa TV.

Proud si Paolo na nakapagpatayo sila ng siyam na bahay at 23 raw houses sa buong bansa. Kaya marami silang natulungan.

 Mapapanood na ito sa April 15 pagkatapos ng Talentadong Pinoy. Pero may 10-minute primer ito na magsisimula sa April 9.

PAK : Marunong na ngayon tumanggi si Grace Lee sa mga interviews kapag tungkol kay Pres. Noynoy Aquino ang mga tanong.

Sa nakaraang benefit concert na Mad for Music na ginanap sa Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi, hindi lumalabas si Grace sa dressing room nito kapag hindi siya tinatawag para mag-host.

 Paglabas naman niya ng dressing room ay dire-deretso siya sa stage at ngiti lang ang sagot sa mga reporters kapag tungkol sa pangulo ang inuurirat sa kanya.

BOOM : Proud na proud si Kris Lawrence sa nalalapit na baby nila ni Katrina Halili. Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ito.       

Ayon kay Kris, nakapag-open na siya ng bank account para sa baby nila, ready na ang gatas at diapers para sa anim na buwan at namimili na rin siya ng mga damit pambata kahit hindi pa niya alam kung baby boy ito o girl.

 Naisip na ni Kris na ang ipapangalan sa baby ay Kristina kung girl ito dahil kumbinasyon ng pangalan nila ni Katrina.

 Kung baby boy naman, naisip niyang Lyric ang ipangalan.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

EXTRA CHALLENGE

EXTREME MAKEOVER

GRACE LEE

HOME EDITION PHILIPPINES

KATRINA HALILI

KAYA

KRIS LAWRENCE

NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with