Bela gulat sa iginanda ng kanyang Tita BB
PIK : Very successful ang launching ng OPM2Go na ginanap sa Central Plaza ng Eastwood City kamakalawa ng gabi.
Si Pres. Noynoy Aquino ang nag-unveil ng logo ng OPM2Go at nagbigay ito ng inspirational message sa mga miyembro ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).
Aminado naman si P-Noy na mahilig siya sa musika at sa mga Pinoy music lalo na ang mga awitin ni Ogie Alcasid na tinatawag niyang si Boy Pick-Up.
Kaya very positive siya sa bagong inilunsad na ito ng OPM na pinamumunuan mismo ni Ogie.
Malaki ang pasasalamat ng OPM president sa lahat na suporta at sana maging maganda ang kalalabasan nitong online store ng OPM.
PAK : Naaliw si Bela Padilla nang nagkita sila over dinner ng kanyang Tita BB Gandanghari.
Nagkuwento si Bela sa presscon ng mga afternoon prime na kung saan proud siyang maganda ang ratings ng Hiram na Puso kasama sina Kris Bernal at Mark Herras.
Ayon kay Bela, nagulat siya sa laki nang iginanda ng kanyang Tita BB. Doon niya nakita na iba talaga ang fashion sense nito kaya may natutunan siya kung ano ang usong fashion sa Amerika.
Ipinagmalaki niya ang pag-cover nito sa FHM na nakita na pala ni BB at alam na rin ang isyu rito.
BOOM : Sobrang kinakarir na nga ni Cong. Manny Pacquiao ang pagkumbinsi nang pagbabasa ng Bibliya dahil open ito sa lahat na nag-iimbita sa kanya sa Bible study o Bible sharing.
Nagkaroon ito ng Bible sharing sa GMA 7 nung nakaraang Martes na dinaluhan ng mga GMA executives na pinangunahan ni Atty. Felipe Gozon at ang pamilya nito.
Ang pagkakaalam namin, meron din siyang Bible study sa ABS-CBN kahapon at inspirado si Manny sa ginagawa niya.
Naging advocacy na ito ng ating Pambansang Kamao na sana maging bahagi na sa buhay natin ang pagbabasa ng Bibliya.
Ang laki na nga nang ipinagbago ni Manny, at ang nakakatuwa pa, pati ang mga taong malapit sa kanya ay naimpluwensiya na rin ang pagbabasa ng Bibliya.
Iniiwasan na rin nito ang mga taong dating malapit sa kanya at nagbibigay lang naman ng ‘di magandang impluwensiya sa kanya.
- Latest