Iba't ibang 'milagro' tampok sa L&S
MANILA, Philippines - Sa makabagong panaho’y bihira na lang ang naniniwala sa milagro. Mas nananalig ang mga maysakit na ang mga henyong doktor at mabibisang gamot ang tanging lunas sa kanilang karamdaman.
Sa Sabado alas-diyes ng umaga’y itatampok sa GMA News TV sa programang Life and Style with Gandang Ricky Reyes ang mga milagrong diumano’y nagpagaling ng maraming tao ‘di lang dito sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.
Kakapanayamin ng host-producer na si Mader Ricky si Gng. Marieta Guanzon na may-ari ng Our Lady of Lourdes Shrine sa San Jose del Monte, Bulacan. Dating may kanser sa buto ang ginang at namanata siya sa Lady of Lourdes na kapag gumaling siya’y magtatayo siya sa Pilipinas ng isang groto para sa Santa. Ngayo’y magaling na siya at ang ipinatayong groto’y may simbahan at dinarayo ng mga deboto tuwing Semana Santa ‘di lang para magsimba kundi mag-Station of the Cross din doon.
May isang “divine healer” ang sektang Espirista na ang pangala’y Sage. Sa pamamagitan ng pagdarasal ay nakakapagpagaling daw ito ng kung anu-anong sakit na ‘di na kailangan pang uminom ng gamot.
Itatampok din sa programa ang Black Mountain Sheep na ang katas o semilyang galing sa katawa’y iniineksiyon sa maysakit. Marami na ang napagaling ng nasabing imbensiyon.
Magbibigay din ng update sa natuklasang Stem Cell at Fresh Cell Therapy ng dalubhasa sa Germany. May mga testimonial ng mga pasyente nitong napagaling at napabata. Nakakagamot ito ng autism o down syndrome at pati na ang sakit sa spinal column na taglay ngayon ni dating Panuglong Gloria Macapagal Arroyo.
“Habang buhay ay may pag-asa. Habang naniniwala ka sa Diyos ay may magaganap na milagro,” sabi ni Mader RR.
- Latest