^

PSN Showbiz

Nora Aunor may ibang manager na naman

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Game na game si Nora Aunor sa nakaraang Golden Screen Awards ng Entertainment Press o EnPress kung saan siya ang tumang­gap ng Lino Brocka Lifetime Achievement Award. Nag-stay ng matagal ang superstar, pumayag maging presenter kasama si John “Sweet” Lapus at kuwento sa amin, pasayaw-sayaw ito sa backstage habang naghihintay.

Nabalitaan tuloy namin na si Noel Ferrer ang kinuha ng TV5 na maging manager ni Guy. Nakita naming nag-uusap sina Noel at Boy Palma, kaya walang isyu tungkol dito. Narinig din namin ang usapan ng dalawa na drama serye ang gustong gawin ni Nora sa network. 

Sana rin, maisakatuparan ang sinabi ni Direk Chris Martinez sa awards night na nakikita niya sina Nora at Eugene Domingo doing a movie together. Nagkasama na ang dalawa sa mini-serye sa TV5, maganda kung pelikula naman!

Yeng gusto ring maging asawa na ang magiging first boyfriend

May cameo role si Yeng Constantino sa pelikulang Anino  na nagsilbing graduation project ng mga nag-workshop sa Star Magic. Mula sa script ni Gina Marissa Tagasa at direction ni Rahyan Carlos, pumayag mag-cameo ng singer at sa reaction ng kanyang fans na nanood ng red carpet premiere, gusto nilang umarte na rin si Yeng.

Natuwa ang singer sa nalamang nakapasa siya sa panlasa ni Direk Ra­hyan at kinakitaan siya ng desire na matuto. May cameo rin siya sa sequel ng Kimmy Dora at kung may maganda pang movie offer na darating, tatanggapin niya.

Rom-com ang gusto ni Yeng kung magpu-full blast siya sa acting, si Enchong Dee ang gusto niyang leading man dahil nakakatuwa raw. Idol nito si Sarah Geronimo pagdating sa love life dahil gustong ang first BF na rin ang maging asawa.

Direk Wenn lalayas na sa Kapamilya

Nakita namin sa birthday dinner ni Dinno Erece si Martin Escudero at nabanggit na magpo-promote ang cast ng Moron 5 and the Crying Lady sa shows ng ABS-CBN. So, kahit hindi na­tuloy ang co-production deal ng Viva Films at Star Cinema, tutulong pa rin ang ABS-CBN sa promo dahil talents nila sina Luis Manzano, Billy Crawford, John Lapus at Direk Wenn Deramas.

Nagpaalam si Martin sa TV5 at pumayag ang istasyon na lumabas siya sa ABS-CBN. Hindi lang nito alam kung aling shows sila lalabas at kung kailan, basta malapit na dahil sa April 7, na ang showing ng movie.

Tama ba ang narinig naming may six-picture contract pa si Direk Wenn sa Star Cinema? Puwede pa naman siyang gumawa ng movie rito kahit wala na siya sa ABS-CBN, ito ay kung totoong lilipat siya ng network after his contract expires in July.

Pero sabi nito, mag-uusap pa sila ng mana­gement at gagawin pa niya ang Kapag Puso’y Sinugatan  nina Gabby Concepcion at Iza Calzado.

BILLY CRAWFORD

BOY PALMA

CRYING LADY

DINNO ERECE

DIREK CHRIS MARTINEZ

DIREK RA

DIREK WENN

SIYA

STAR CINEMA

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with