Babagay nga sa pulitika, Aga matagal nang tumutulong sa mga bingi!
Anumang pagtanggi ang sabihin ni Aga Muhlach, talagang obvious na papasukin niya ang pulitika. ’Yung pagpaparehistro niya sa Camarines Sur ay isang maliwanag na indikasyon na tatakbo siyang kongresista ng nasabing lugar.
Sana nga makakita ng bagong mundo si Aga sa pulitika. Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang tumutulong sa mga tao ang poging aktor at ilang dekada na siyang bayani ng mga may kapansanan sa pandinig. Hindi lamang sa puntong pinansyal siya tumutulong sa mga may ganitong kapansanan via STEAM, isang organisasyon na tumutulong sa mga deaf para makapag-aral at makatagpo ng mapagkakakitaan. ’Di ba Salve A.?
Piolo maingat na sa pagpasok sa susunod na relasyon
Kung totoong break na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz, hindi naman siguro si Piolo Pascual ang dahilan kahit hindi na sikreto ang pagkakaroon ng kakaibang damdamin ng aktres sa kanyang co-star sa Dahil sa Pag-ibig.
I’m sure Piolo, for his part, ay magiging maingat na sa pagpasok sa isang relasyon dahil hindi pa naman nalalaunan nang maghiwalay sila ni KC Concepcion. Ayaw naman siguro niyang muling maintriga dahil may karelasyon si Cristine at hindi pa siguradong hiwalay na ito kay Rayver.
PBB Unlimited winner pinagpupustahan na
Ngayon pa lamang ay pinagpupustahan na kung sino ang tatanghaling big winner sa Pinoy Big Brother Unlimited sa gaganaping finals nito sa Sabado.
Maraming tagasubaybay ni Tintin Patrimonio ang na-disappoint when she was evicted although marami pa ring housemates na naiwan na puwede nilang bigyan ng kanilang suporta, tulad nina Bigel, Slater, Divine, Paco, at Pamu. Kahit sino sa lima ay magiging credible winner. Ako nga nahihirapan mamili although nahahati ako kina Pamu at Paco.
Dennis at Bianca nagpapaka-pribado
Huwag na nating paaminin pa sina Dennis Trillo at Bianca King sa kung anumang relasyon meron sila. What we see is what we get. Obvious na ang malimit nilang pagsasama.
Siguro i-wish na lang natin na magtagal sila. Mahirap kasing magkaroon ng relasyon sa showbiz at mag-maintain nito. Hindi naman sila nagdi-deny kahit hindi rin naman sila umaamin. Baka gusto lang nilang i-keep ang kanilang privacy, kaya pagbigyan na lang natin sila. Baka nga naman sa ganitong paraan ay magtagal sila.
- Latest