^

PSN Showbiz

Carla nagbago ang isip, ayaw pala munang mag-asawa!

- Veronica R. Samio -

Napatunayan ng marami kung gaano kamahal ni Carla Abellana ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann nang makita ito sa set ng Legacy nung mismong birthday ng aktor. “Mahal na mahal ko si Geoff kaya kahit medyo may kalayuan itong location nila, I have to come kahit a few hours lang to keep him company. I’ll probably stay until after dinner dahil ’yun ang blowout niya sa kanila,” masayang sabi ng aktres kahit alam niyang ’di siya mapapasyalan ng boyfriend once mag-taping na siya for Makapiling Kang Muli dahil mas malayo ang Batangas.

Sinabi ni Carla na ginagawa niya ang lahat para mag-work ang relationship nila.

 “Just like other couples may away din kami. We argue a lot but we always promise each other na huwag naming pag-awayan ’yung mga walang kuwentang bagay. So far wala pa naman kaming major away, moods lang,” paliwanag ng aktres.

Pero binawi ni Carla ang sinabi na kung dati raw ay gusto na niyang mag-asawa pagdating ng age 25, ngayon she feels it’s too soon. 

“Now that I’m nearing that age, nagbago na ang isip ko. I’d like to stay single a little longer,” diin pa ng aktres.

 

JayR nagsalita na, may problema sa sarili at sa relasyon kay Krista

Itinanggi ni JayR na walang third party sa hiwalayan nila ni Krista Kleiner. Bagama’t walang direktang pag-amin mula sa kanya na natapos na ang relas­yon nila ng beauty queen, inamin niyang may problema silang kinakaharap na dapat nilang ayusin.

Hindi naman kasi palaging masaya sila. May mga ups and downs din na hindi niya masasabing maaayos nila pero sinusubukan niya. Sinabi niyang aayu­sin muna niya ang kanyang sarili bago niya tangkaing ayusin ang relasyon nila.

 

Pamilya ni Alessandra ginastusaN ng GMA 7

Masaya si Alessandra de Rossi sa paglilipat ng Legacy sa mas maagang timeslot.

 “Makakapanood na ang lola ko who is 82 years old. Dati ay natutulog muna ito at gumigising lang kapag palabas na. Ngayon hindi na siya mapupuyat. Mapapanood na niya ito sa mas maagang oras at makakatulog na siya ng maaga,” masayang sabi niya.

Makakapiling ni Alex ang kanyang pamilya ngayong bakasyon. Ang GMA 7 ang gumastos para makapagbakasyon sila. Hindi lamang sila ang makakapiling niya dahil siguradong darating din ang kapatid niyang si Assunta para magkasama-sama sila.

 “Hindi naman mahilig maglalabas ang pamilya ko. Kahit hindi ako mahilig manood ng sine, dapat ka-join nila ako sa panonood ng movies sa bahay. Ang mom ko, Ate Vi (Santos) fanatic ’yan, kaya hindi mawawalan ng movie ni Ate Vi sa mga pano­noorin namin. Assunta will be joining us,” sabi niya sabay amin na nami-miss na niya ang kapatid.

 

Ayen napi-pressurena galingan pa ang acting

Hindi lang naman si Bela Padilla ang napi-pressure magpakitang gilas sa Hiram na Puso, ganundin si Ayen Munji Laurel.

Hindi lamang naman siya namatayan ng isang paboritong anak sa serye, kinakai­langan din niyang mapaglabanan ang malabis na pangu­ngulila sa namatay na anak na nalulunasan lamang ng madalas na pagdalaw sa pinagbigyan nito ng puso niya, kahit pa nakakais­torbo na siya at nakakaapekto sa araw-araw na buhay ng mag-inang Zeny (Gina Alajar) at Lira (Kris Bernal).

Wala namang dapat ipag-alala si Ayen dahil mahusay niyang nagagampanan ang kanyang role. Hindi naman nahuhuli ang acting niya sa mga kasamahan niya sa teleserye. Kahit nagsimula siyang isang singer at unang nag-artista sa teatro, nakakasabay na siya lalo na kay Gina na siyang madalas na ka-eksena niya. Ibang-iba ang role niya sa Hiram na Puso kesa sa Amaya na kontrabida ang role niya.

ALESSANDRA

ASSUNTA

ATE VI

AYEN MUNJI LAUREL

NIYA

NIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with