^

PSN Showbiz

Matapos makatikim ng 15-minute fame, aktres mas kilala nang Miss A!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Miss A ang tawag sa aktres na wala pang napapatunayan pero lumobo ang ulo nang makatikim ng 15-minute fame.

A for attitude dahil naging maldita ang hitad na nag-feeling sikat nang masangkot sa isang showbiz issue na saglit lamang na pinag-usapan.

Hindi na namamansin si Miss A sa set ng drama series na kinabibilangan. Aloof na siya sa kanyang co-stars na natatawa lang. Bakit daw sila magpapaapekto kay Miss A eh hindi naman ito ang bida sa drama series dahil ‘one of those’ lamang siya?

Kahit hindi nag-a-attitude si Miss A, wala sa hitsura niya na sisikat dahil hindi siya star material at hindi pambida. Lalong lumiit ang tsansa ni Miss A na sumikat dahil sa masamang ugali na ipinakikita niya sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

 

Lovi hindi na talaga gusto si Ronald Singson

Hindi ako naniniwala sa mga tsismis na nagka­balikan sina dating Congressman Ronald Singson at Lovi Poe dahil iba ang balita na nakarating sa akin.

Gusto ni Ronald na mag-reconcile sila ni Lovi pero ang dalaga ang tumatanggi na kapani-paniwala dahil consistent siya sa pagsasabi na naka-focus ang atensiyon niya sa kanyang career.

Affected si Ronald pero iginalang niya ang desisyon ni Lovi na maraming na-realize mula nang bumongga ang showbiz career.

 

GMA 7 nag-victory party

Parang victory party ang nangyari kagabi sa Studio 6 ng GMA 7 dahil sa tagumpay sa ratings ng afternoon block ng mga programa ng Kapuso Network.

Dumalo sa presscon ang mga lead stars ng Hiram na Puso, Broken Vow, at The Good Daughter na tuwang-tuwa dahil bonggang-bongga ang ratings ng kanilang mga afternoon shows.

 

Pacman ayAW ‘makipagsuntukan’ sa BIR

Nag-presscon pala si Congressman Manny Pac­quiao noong Lunes para sagutin ang kaso na isinampa ni Atty. Rozil Lozares ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 12 laban sa kanya.

Si Atty. Lozares ang regional director ng BIR at ang say ni Papa Manny, napilitan siya na magsalita dahil naunang nagpatawag ng presscon ang abogado.

Nanindigan si Papa Manny na hindi siya tax evader dahil nagbabayad siya ng buwis. Binanggit niya na P100 million ang ibinayad niya sa BIR noong nakaraang taon.

In fairness kay Atty. Lozares, maganda ang paliwanag niya tungkol sa problema ng BIR kay Papa Manny. Nilinaw rin niya na hindi tax evasion ang kaso.

Magkaiba ang mga pahayag ng magkabilang-kampo at malulutas ang problema kung magkakaroon sila ng maayos na pag-uusap

Natawa lang ako sa say ni Papa Manny na idaraan niya sa legal na paraan ang paglutas sa problema dahil matatalo lang ang mga kalaban niya kung maghahamon siya ng suntukan.

 

Anja nagpasaya ng fans sa inilabas na album

Natuwa ang mga fans ni Anja Aguilar nang ma­laman nila na may album na ang kanilang hinahangaan na singer-actress.

Nadoble ang kanilang happiness dahil available na sa mga music stores ang self-titled album ni Anja na minsan nang naging kapareha ni Piolo Pascual sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

vuukle comment

CENTER

DAHIL

LOVI

MISS A

NIYA

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with