^

PSN Showbiz

Mahigit dalawang buwan nang hiwalay kay Rayver! Cristine in love na in love kay Piolo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Naaliw kami sa bagong contract artist ng Viva na si Anja Aguilar na nagkaroon ng press launch kahapon para i-promote ang self-titled album niyang Anja Aguilar.

Parang si Sarah Geronimo ang nakikita namin sa kanya, kaya siguro very positive si Boss Vic del Rosario na maging big star din ito gaya ni Sarah.

Kinlaro naman ni Anja na hindi niya ginagaya pero idol nga niya si Sarah at mabait pa sa kanya ang Pop Princess.

Napapanood si Anja sa ASAP at sinusubukan na rin niya ang pag-arte. Napanood siya sa Maalaala Mo Kaya nung nakaraang Sabado. Walong beses na siyang nag-apir sa nasabing programa.

PAK: Nagtu-tweet ang dating Sexbomb dancer na si Jolan Velus na may blessing naman ng pamil­ya nila ni Edgar Allan Guzman ang pagsasama nilang dalawa.

Ang pagkaalala namin, never inamin ng aktor ang isyung magka-live-in sila ng girlfriend. Sinasabi lang nitong inaayos lang niya ang isyu nila sa kanyang pamilya. Ngayon si Jolan na mismo ang nagbuking, kaya obvious na gusto nitong ilantad na ang kanilang relasyon at ang kanilang pagsasama na ang alam namin, kontra rito ang ina ni Edgar Allan.

Kaya nung nakaraang Golden Screen Awards ay humingi ng paumanhin ang young actor sa manager niyang si Noel Ferrer dahil sa ilang bagay na pinagkatampuhan at isa na nga rito ang pakikipag-live-in kay Jolan.

Makakatulong kaya sa career ni Edgar Allan itong ginagawa ng girlfriend niya?

BOOM: Kinumpirma ng ilang taga-ABS-CBN ang break-up nina Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan na kung saan mismong si Cristine ang nakipaghiwalay kay Rayver.

Wala pa namang sinasabi ang aktres kung ano talaga ang dahilan pero mukhang nakikita nilang nagsawa na ito kay Rayver at halatang type na type nito si Piolo Pascual.

Reaksiyon ng mga nakarinig sa kuwentong ito: “Good luck!”

Hindi namin sure kung para kay Cristine ang “good luck” na ’yun o kay Piolo.

vuukle comment

ANJA

ANJA AGUILAR

BOSS VIC

CRISTINE

CRISTINE REYES

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

GOLDEN SCREEN AWARDS

JOLAN

JOLAN VELUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with