^

PSN Showbiz

Gown na gawa ng Pinoy designer inirampa ni Tyra Banks

- SEEN SCENE -

SEEN : Ipinagbubunyi ng mga Pilipino ang pagsusuot ni Tyra Banks sa gown na gawa ng Filipino designer na si Francis Libiran sa 4th Annual Blossom Ball na idinaos sa New York City noong March 15.

SCENE : Kung pinupuri ng mga Pinoy ang gown ni Tyra na gawa ni Francis, may mga Amerikano naman na lumalait sa gown ng sikat na TV host-supermodel.

SEEN : Ang Twitter ang ginamit ng fashion designer na si Rajo Laurel para ipaalam sa lahat ang kagustuhan niya na mabihisan si Jessica Sanchez dahil big fan siya ng American Idol Season 11 contestant.

Nakakatiyak si Rajo ng malaking exposure sa international fashion scene kapag natupad ang kanyang pangarap na mabihisan si Jessica.

SCENE : Idinenay ni Congressman Manny Pacquiao na may marital problems sila ni Jinkee Pacquiao habang naghahanda siya sa laban nila ni Juan Manuel Marquez noong Nov. 12.

Hindi na kumibo ang mga tao sa paligid ni Pacquiao dahil alam nila ang katotohanan.

SEEN : Malungkot ang mga Twitter bashers ni Sharon Cuneta dahil hindi na pinapatulan ng Megastar ang kanilang mga pambubuwisit.

SCENE : Kung walang tapings, maaga nang natutulog si Katrina Halili mula nang magbuntis siya.

Isisilang ng aktres sa September ang anak nila ni Kris Lawrence na pinag-interesan ng mga tao nang mabuntis niya si Katrina.

SEEN : Si Diether Ocampo at ang kanyang ‘anak’ sa Resorts World Manila noong Linggo.

Pinanood ng mag-ama ang musical play na The Sound of Music sa Newport Performing Arts Theater.

SCENE : Magbubukas sa linggong ito sa 32nd Street, The Fort, Global City ang Roboto San, ang Japanese buffet restaurant na pag-aari ni Marvin Agustin at ng kanyang mga business partner.

AMERICAN IDOL

ANG TWITTER

ANNUAL BLOSSOM BALL

DIETHER OCAMPO

FRANCIS LIBIRAN

GLOBAL CITY

JESSICA SANCHEZ

JINKEE PACQUIAO

JUAN MANUEL MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with