^

PSN Showbiz

Face to Face susuyurin ang mga barangay sa Pilipinas

-

MANILA, Philippines - Habang parami nang parami ang mga sumusubaybay, lalong lumalawak ang naaabot ng Face to Face sa pagpasok ng nangungunang “talakserye” sa ikatlong taon nito. Buong linggong ihahatid ng barangay hall on-air ang malala­king harapan ng mga sangkot sa isyu sa Barangay Face to Face simula Lunes hanggang Biyernes (Marso 26-30), 10:30 ng umaga sa TV5.

Ngayong Lunes, sa Brgy. Lucap, sa Alaminos, Pangasinan ang destinas­yon ng programa upang pakinggan ang idinulog na problema ni Aling Belen. Rek­lamo niya, wala siyang kaalam-alam na may namamagitan na sa kanyang asawang si Mang Enrico at sa kasambahay nilang si Helen na humantong sa pagdadalang-tao ng huli. Bunga nito, nagrebelde na rin ang anak ng mag-asawa na si Joy.  

Sa Martes, dadayo pa rin ang programa sa Brgy. Lucap upang alamin ang isyung kinasasangkutan nina Ronald at ang dating karelasyon na si Emi­lia, kasama pa sina Lito na kasalukuyang kinakasama ni Emilia at si Letty na kasalukuyang kinakasama ni Ronald. 

Sa Miyerkules, unang pagkakataong dadayuhin ng Face to Face ang Kabisayaan upang alamin ang diumano’y pakikialam ng siga raw na si Evelyn sa mga tao sa lugar nila. Handang-handa na ang mga Bisaya upang maki-Face to Face sa episode na “Mataas ang pride, kahit gutom ay ’di hihingi ng tulong?” 

Sa Huwebes naman, biyaheng-San Roque sa Cebu City ang talakserye upang pagharapin ang mga nagbubungguang kampo kabilang na si Nica, ang legal na asawa na diumano’y pinipindeho ng mister na si Windell. Pahayag naman ni Joy, ang umano’y nang-agaw ng asawa, hindi masisisi si Windell kung siya ang pipiliin nito dahil hindi nabibigay ni Nica ang sekswal na pangangaila­ngan ng asawa. Dagdag pa niya, hindi rin kaguwapuhan ang kinakasama niyang si Lester kaya nahumaling siya sa poging si Windell. 

Sa Queen City of the South pa rin ang destinasyon ng Face to Face sa Bi­yernes upang alamin ang kuwento ng tatlong magkukumareng nahumaling sa iisang lalake dahil sa husay nito sa pagkanta. Magkakaayos pa kaya ang tatlo? 

Buong linggo ng maiinit na usapan ikalawang anibersaryo ng Face to Face simula ngayong Lunes (Marso 26). 

vuukle comment

BARANGAY FACE

BRGY

BUONG

CEBU CITY

FACE

LUCAP

MARSO

NGAYONG LUNES

NICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with