^

PSN Showbiz

Claudine out na sa GMA, gagawa na lang movie with Juday!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Matuloy kaya ang planong pelikulang pagsasamahan nina Judy Ann Santos and Claudine Barretto?

Isang source kasi ang nagkuwento na may plano ang Star Cinema and Viva Films na pagsamahin ang dalawa.

Wala nang contract si Claudine sa GMA-7 pero balitang mag-uusap naman ang GMA-7 at ang kampo ni Claudine. Pero open na sa pakikipag-negotiate rin sa ibang channel si Claudine in case na may magandang offer, sabi pa ng source.

Pero wala namang nabanggit ang source kung babalik sa ABS-CBN ang actress. Basta ang medyo malinaw ay ang posibleng pelikula nga sa Star Cinema ng dalawang aktres na dating pinagsasabong ng mga fans.

Aktres binabantayan ng mga doktor para hindi na bumalik sa dating gawi

Monitored ng mga doktor ang aktres ngayon. Pero much better looking na ito at nakaka-adjust na matapos ang ilang buwang pagka-rehab sa ibang bansa.

Dagdag ng source, in a little period of time magiging okay na ang lahat sa aktres, as in makaka-recover na ito sa maraming naging problema niya noon.

Slowly, inaayos ni aktres ang buhay ngayon at trying na mabalik sa dati ang career.

Matagal-tagal ding ‘nabaliw-baliw’ sa pag-ibig ang aktres na naging rason para magkanda-windang-windang ang kanyang buhay.

Soon ay pipirma na ng kontrata ang aktres sa isang network.

Good luck sa aktres!

Busong parang pang-National Geographic Channel

Last week ko lang napanood ang indie film na Busong, obra ni Auraeus Solito.

At si Alessandra de Rossi lang ang kilala kong artista sa pelikula na last year pa nakasali sa ilang film festival sa abroad. Ito rin ang ipinalabas sa Directors’ Fortnight Section ng 2011 Cannes Film Festival. Naalala ko pang nag-attend si Alessandra sa Cannes, France.

Pero mukhang this year lang ito mapapalabas sa commercial theaters dito sa atin dahil last week ay ipina-review nila ang indigenous film of Palawan ni Solito sa Cinema Evaluation Board (CEB). Naka-A ang Busong.

Tungkol sa mga sakit, sumpa, at karma ang Busong na ang makakagamot lang ay ang isang lugar na kailangang puntahan na tinatawag nilang misteryosong bundok.

Halos pare-pareho ang problema ng mga bida sa pelikula pero ’yun nga iisa ang kailangan nilang gawin para masolusyunan ang kanilang mga dinadala.

Maganda ang pinagsyutingang lugar sa Palawan. Katunayan, puwede mong sabihing nanonood ka ng National Geographic Channel dahil nga sa lugar at problema ng mga taong nakatira sa isla.

Pero may ilang part ng movie na hanggang sa natapos ay hindi ko na alam ang nangyari.

Anyway, pang-festival talaga ang pelikula. At sana nga kung ipapalabas ito sa mga commercial theaters sa Metro Manila, maraming magka-interes na panoorin.

AKTRES

ALESSANDRA

AURAEUS SOLITO

BUSONG

CANNES FILM FESTIVAL

CLAUDINE

NATIONAL GEOGRAPHIC CHANNEL

PERO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with