^

PSN Showbiz

Umaming hindi OK sa kuya, Robin nasa state of shock pa kay BB

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kababalik pa lamang ni BB Gandanghari sa bansa noong isang linggo. Ngayon ay isang family reunion ang pinaplano ni Mariel Rodriguez para sa pamilya ng asawang si Robin Padilla.

“Sa Holy Week gusto ni Mariel, si Mariel lahat nag­pa-plano niyan, gusto niya magkaroon ng reunion lahat kasi dumating nga si Rustom. Gusto niyang magsama-sama kaming magkakapatid,” pahayag ni Robin.

Ayon sa aktor, hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon ang ginawang pagbabago sa katauhan ng kanyang kapatid.

“Kasi ang nangyari, shocking pa eh. State of shock pa kami, lalo na ako siguro. Ngayon hindi ka­mi okay ni utol,” pagtatapat ni Binoe.

Samantala, nagsimula na ring mag-taping si Ro­bin para sa teleserye nilang Kailangan Ko’y Ikaw. Kasama ng aktor dito sina Anne Curtis at Kris Aqui­no. Napansin ng aktor ang ginawang pagda-diet ni Kris bilang paghahanda sa kanilang soap opera.

“Nakakaawa si Kris, ’di kumakain. Diet eh. Minsan nga juice lang, sinabi ko lang sa kanya, alam mo dapat kumain ka rin ng kanin. Importante pa rin ang carbo lalo na tayo napupuyat,” kuwento ni Binoe.

Ayon pa sa aktor, napakalaki na ng ipinagbago ni Kris sa larangan ng pag-arte.

“Napakagaling umarte ni Kris, malayung-malayo noong panahon namin eh. Ako nga ang naiilang nga­yon sa kanya kasi dati nagwo-workshop kami, noong bago siya hindi makatingin sa mata ’yan, pero ngayon ang galing. Tumatagos sa mata niya kapag kaeksena niya,” paglalarawan ni Robin.

Vice Ganda dismayado sa dyowang hanggang kwarto lang

Masaya ang love life ni Vice Ganda ngayon. Ayon sa komedyante, matagal na sila ng karelasyon dahil may isang taon na rin ang kanilang pagmamahalan. Pero mahirap ang kanilang relasyon dahil sa pagiging celebrity ni Vice.

“Noong isang beses nga nag-uusap kami, ‘Ang saya nating dalawa ’no? ’Pag magkasama naghaharutan tayo pero ang tagal na nating nakakulong dito sa kwarto sa bahay. Hindi natin ma-experience ’yung nagmo-mall tayo, manonood tayo ng sine, magharutan tayo, magkaakbay tayo.’

“Hindi namin magawa ’yun kasi pagpi-piyestahan kaming dalawa. Kung ako lang ang pag-piyestahan okay lang kasi nasa showbiz ako eh, pero siya na pang-karaniwang tao hindi ko ma-afford na pagpiyestahan siya at maapektuhan siya pati ’yung mga mahal niya sa buhay. Kaya okay na magkulong na lang tayong dalawa,” kuwento ni Vice.

Minsan ay mayroon ding hindi pinagkakasunduan silang dalawa.

“Minsan may mga hin­di kami pinagkakasunduan ‘pag naghaha­rot na ako masyado. May mga pagkakataon na alam niya ’pag ’di na biro nararamdaman niya. Naloka ako isang beses bigla na lang siya nasa Showtime. Anong ginagawa mo sa baba? Bakit ka nanonood? Feeling niya kasi hindi na biruan ’yung ginagawa ko sa Showtime. Tiningnan niya ’yung lalaki, tiningnan niya kung ano ang hitsura sa personal ’tapos sabi niya, totoo nga na meron kayong something na dalawa,” dagdag pa ng komedyante pero naaayos naman agad ang hindi nila pagkakaunawaan.

Samantala, kagabi ay isang special birthday concert ang idinaos ni Vice sa Skydome. Mapapanood ang part 1 ng nasabing special sa susunod na Linggo sa Gandang Gabi Vice at sa April 8 naman mapapanood ang part 2 nito. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANNE CURTIS

AYON

GANDANG GABI VICE

KAILANGAN KO

KRIS AQUI

MINSAN

NIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with