Sino ang tatanghaling Reyna ng Aliwan Fiesta 2012?
MANILA, Philippines - Inaasahang higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta, sa paglahok ng 22 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa maningning na mga pagtatanghal sa ika 13 at 14 ng Abril.
Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay..
Kakatawan sa Taga-Giik festival ng Taguig si Karla Mariz Lopez, tourism management major mula sa PATTS College of Aeronautics. Ang muse naman ng Pasay City Dayang-Dayang festival ay si Ana Jameela Radomes, isang Business Administration degree holder mula Adamson University.
Ipapadala naman ng Baguio City si Samirah Hinno, graduate ng Wesleyan University. Dalawa naman ang candidate ng Isabela - sina Joy Marie Gangan ng Ilagan, at Kim Joy Madurachige mula Santiago City.
Mula naman sa Patopat festival ng Pozzorubio. Pangasinan si Kramae Labrado habang kakatawan sa Singkaban festival ng Bulacan si Hazel German.
Si Decerie Robledo naman ang muse ng Ala-eh Lambayok festival ng San Juan, Batangas
Dalawa naman ang kalahok ng Cebu – sina Mira-Mae Dimmerling para sa Sinulog, at si Angeli Gomez para sa Hinulawan festival ng Toledo City. Tatlo naman ang taga-Iloilo – sina Kimberly Diedrich ng University of San Agustin na kakatawan sa Paraw Regatta, si Charmaine Grace Deatras ng Central Philippines University para sa Dinagyang, at si Michelle Marie Monte na mula naman sa Pintados de Passi.
Si Vanessa Anna Scheuer ng Bais City, Negros Oriental, ang kakatawan sa Buglasan festival, at mula naman sa Vallehermoso si April Rose Alquisola para sa Kanlalambat festival. Ipapadala ng Alang-alang, Leyte si Conchitina Cleofe Yu, muse ng Lingganay festival.
Mula General Santos City sina Maureen Elvy Paulo para sa Tuna festival at Michelle Camacho para sa Kalilangan festival.
Kinatawan ng Lembuhong festival ng Surallah, South Cotabato si Quennie Rose Bautista, habang sina Mae Ann Joy Bello ng Cotabato City at Mary Grace Opingo ng Datu Piang ang mga pambato ng Maguindanao.
Mula naman sa T’nalak festival ng South Cotabato si Honeylyn Nonog.
- Latest