^

PSN Showbiz

Xian nagsalita na, nahatak lang ni Kim ang career niya!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi hurt si Xian Lim tuwing sasabihing nahila lang naman ang career niya ni Kim Chiu. Simula kasi nang mag-partner sila sa Binondo Girl, big­lang naging in demand si Xian at sinasabi ngang ipinalit ng ABS-CBN kay Sam Milby na busy naman ngayon sa mga audition sa Hollywood. “Hindi naman ako na-o-offend. Wala namang masama sa sinasabi nila,” sabi ng aktor na nagkaroon ng launching kahapon bilang pinakabagong muk­ha ng Globe para sa kanilang Globe Super Facebook (sa halagang P10 puwedeng kang mag-Facebook maghapon).

Kaya lang hanggang ngayon, hindi pa rin pala nagli-level up ang relasyon nila ni Kim. Special friends pa rin ang set up nila. “Basta nandito lang ako para sa kanya anytime,” sabi niya kahapon.

Sobrang busy daw kasi nila pareho bilang may ginagawa siyang movie, The Reunion, isang barkada movie na pinagbibidahan nila nina Jessy Mendiola, Julia Montes among others habang si Kim ay sunud-sunod din ang shooting para sa movie nila ni Gov. Vilma Santos na The Healing.

At ngayong ka-level na si Xian nina Sarah Geronimo, Gerald Anderson and Vice Ganda sa pagiging endorser ng Globe, so nag-usap na ba sila ng ex ng young actress (Gerald)? “Isang karangalan na makasama ko siya, sila nila Sarah,” simpleng sagot niya kaya hindi na nabigyan ng intriga.

Swak naman kay Xian ang bagong endorsement dahil mahilig pala siyang mag-check ng facebook.

At kung kontra ang iba sa social networking sites, hooked siya sa Facebook at Twitter. Hindi raw kasi pumapatol sa mga maninira. “I don’t really pay attention. Most of time, acting ko lang naman ang pinipintasan nila. Pero ok lang, hindi ko na lang binabasa ‘yung iba,” katuwiran ng aktor.

Usually nagkakaroon siya ng chance na mag-update ng status niya tuwing nasa traffic siya. Pero ang pinakanaaliw siyang message na nakuha ay nang sabihin na ipinangalan sa kanya ang anak ng isa niyang fan.

Three years pa lang si Xian sa showbiz pero mabilis ang usad ng career niya. In demand siya sa endorsement at tinitilian na siya.

Anyway, exclusive ang Super Facebook sa Glo­be Prepaid subscribers na perfect sa mga adik sa social networking site pero parating on the go. To avail the offer, i-dial lang ang*143#. Pang-walong endorsement na ito ni Xian.

Paula Bianca pinagsamang Lani Misalucha at Bon Jovi

Parang si Lani Misalucha ang boses ng bagong singer na si Paula Bianca. Ang husay niyang bumirit at parang walang effort. Last Thursday night lang nagkaroon ng launching ang first album niya under Vicor Music na ginanap sa Papa Dann’s Grill sa Seaside Market.

Eh bakit ngayon lang siya nagka-album?

“Kasi kailangan ko munang tapusin ang studies ko,” sagot niya.

Ayun natupad naman ang gusto ng magulang niya, nakatapos siya ng Masscommunication sa St. Scholastica’s College na magna cum laude. You read it right, magna cum laude. Kaya pagka-graduate niya, itinuloy na niya ang matagal na niyang gustong gawin – ang kumanta.

Limang kanta ang kasama sa kanyang debut album – Problemadong Puso, Napapaluha, Napa­kasakit Naman, Miss na Miss, at Parting Time.

At kahit 23 years old lang siya, si Bon Jovi ang favorite niya kaya ‘wag magtaka kung may pagka-Bon Jovi ang tunog ng iba niyang kanta sa album. 

So kung tunog Lani plus style Bon Jovi equals sisikat na singer.

Kung sabagay, may charisma rin kasi si Paula. Actually, mas may dating nga siya sa isang singer na pilit na pinu-push ng isang network pero wala namang appeal. Hahaha.

Kasama nga pala sa mga tumutulong sa career ni Paula si Tito Alfie Lorenzo dahil kaibigan niya ang pamilya ng baguhang singer.

At special mention sa masasarap na food sa Papa Dann’s Grill (Seafood Paluto and Videoke) sa Seaside Macapagal Complex na pag-aari ni Mr. Dann C.

BON JOVI

LANG

LANI MISALUCHA

NILA

NIYA

PAPA DANN

PAULA BIANCA

SIYA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with