^

PSN Showbiz

Coco tinanghal na natatanging aktor ng dekada

-

MANILA, Philippines - Sunud-sunod na awards ang hinakot kamakailan ng isa sa mga bida ng Walang Hanggan na si Coco Martin. Kinilala siya bilang Natatanging Aktor ng Dekada ng Gawad Tanglaw Awards at Best Actor naman ng KBP Golden Dove Awards, PMPC Star Awards for TV, USTV 2012 Awards, at Northwest Samar State University Students’ Choice Awards for Radio and Television para sa kanyang mahusay na pagganap sa de-kalibreng teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin.

Bukod sa tagumpay ni Coco sa iba’t ibang award-giving bodies, panalo rin sa nationwide TV ratings ang Walang Hanggan. Sa pinakahuling datos ng Kantar Media, nananatili itong no. 1 sa listahan ng top overall TV programs sa bansa, kung saan humataw ito sa 37.5% national TV rating, o 22 puntos na kalamangan kumpara sa 15.4% ng katapat nitong programa.

Samantala, patuloy na umiinit ang mga tagpo sa kuwento ng Walang Hanggan matapos dugtungan ni Daniel (Coco) ang buhay ni Katerina (Julia Montes) dahil sa pagbibigay nito ng dugo sa dalaga. Hudyat na ba ito ng muli nilang pagbabalikan? Anong gagawin ni Nathan (Paulo Avelino) sa sandaling malantad na si Daniel ang blood donor ng kanyang asawa?

Pepito Manaloto babu na ngayong Linggo!

Ang pinaka-unang reality sitcom at patuloy na top-rater na programa ng GMA Network na Pepito Manaloto, ay magpapaalam na ngayong Linggo.

Pinatunayan ng programang Pepito Manalo ang kakayahan nitong makapagbigay ng dekalidad at makabuluhang episodes tuwing Linggo ng gabi.

Ngayong Linggo, kakaharapin ni Pepito Manaloto (Michael V.) ang isang malaking hamon sa kanyang buhay may pamilya. Dahil sa rami ng mga negos­yo ni Pepito, nawawalan na siya ng panahon para sa kanyang pa­milya. Ito ang magiging ugat ng di pagkakaunawaan sa pagitan nila ng kanyang asawa na si Elsa (Ma­nilyn Reynes). 

Kaya mapagdedesisyon ang mag-asawa na pansamantalang maghiwalay para pareho silang mag­karoon ng oras upang makapagnilay-nilay sa problemang kanilang pinagdadaanan.

Kaya kayang hilumin ng ma­rubdob na pagmamahalan ang mga sakit na idininulot ng problemang kinahaharap nila? Paano na ang mga anak nilang sina Chito (Jake vargas) at Clarissa (Angel Satsumi)? At ano na kaya ang mangyayari sa buhay ng billionaire na si Pepito Manaloto?

 Mula sa direksiyon ng batikang direktor na si Bert de Leon, ang nasabing multi-awarded sitcom ay kuwento ng isang taong nangarap ng magagandang buhay para sa ikabubuti ng kanyang pamilya.

Huwag palampasin ang huling episode ng Pepito Manaloto ngayong Linggo, March 25, 2012, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA 7.

ANGEL SATSUMI

BEST ACTOR

CHOICE AWARDS

COCO MARTIN

GAWAD TANGLAW AWARDS

GOLDEN DOVE AWARDS

JULIA MONTES

LINGGO

PEPITO MANALOTO

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with