^

PSN Showbiz

Sharon nasisira sa kakapatol sa mga basher!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: May mga nagpapayo kay Sharon Cuneta na tumigil na muna sa pagti-tweet, Ang dami na niyang nakakaaway dahil pinapatulan nito ang mga nang-aaway sa kanya.

Si Judy Ann Santos na nga ang nagtanggol sa kanya ngayon dahil naintindihan naman daw niya ito dahil ang anak na nito ang nadadamay. Pati kasi si KC Concepcion ay nalalait na rin kaya todo sa pagtatanggol ang megastar. Pero marami na rin ang nag-aalala at nagpapayong sana hindi na ito pinapatulan ni Sharon dahil siya lang ang masisira, at lalo pang ikatutuwa ng mga bashers at haters nito ang ginagawa niya.

Si Regine Velasquez na nag-react din noon sa isang hater niya ay dedma na lang at ayaw na niyang pansinin ang mga ito. Nabigla lang naman daw siya noon dahil anak na niya ang nalait, pero sa susunod ay ayaw na raw niyang pumatol sa mga ito, dahil nakasanayan na rin naman daw niya ang mga panlalait.

PAK: Dumating na galing Amerika si Prince Stefan at lalabas ito sa Startalk para klaruhin ang mga isyung kina­sangkutan nang pagkawala niya. Inamin ng aktor na talagang na-depress daw siya sa mga kinasangkutan niyang isyu kaya siya umalis muna at nagbakasyon sa Amerika. Pero lalo pang lumalala dahil naglabasan naman ang mga kuwentong nagpakasal daw siya roon sa kapwa lalaki. Sinagot lahat ni Prince ang mga isyung ito, kaya abangan na lang sa Startalk ito bukas.

BOOM: Napabalita noon na ipinasok sa rehabilitation center and dating child actor na si Jiro Manio.

Ang good news, nakatakda na pala itong lumabas at ga-graduate na pala ito sa High School.

Nag-aaral na rin pala si Jiro kahit nasa loob at okay na okay na raw ito, kaya sa susunod na linggo na ang graduation nito. Excited si Direk Maryo J. delos Reyes na manager nito sa nalalapit paglabas ni Jiro at umaasang magbabago na ito.

AMERIKA

DAHIL

DIREK MARYO J

HIGH SCHOOL

JIRO

JIRO MANIO

PERO

PRINCE STEFAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with