Derrick mabilis sa tsiks, nai-date agad ang Indonesian actress na si Kimberly Ryder!
Pagdating sa tsiks ‘di mo mauunahan si Derrick Monasterio. Hindi lang si Jake Vargas ang muntik-muntikang mawalan ng ka-loveteam dahil very open ito sa kanyang admiration kay Bea Binene.
At hindi man kasama sa cast ng The Witness ang very talented na si Derrick, pero sa kanya ipinakanta ang theme song ng movie kaya one way or the other may involvement siya sa pelikula. The Indonesian film, by the way, is topbilled by Kapuso actress Gwen Zamora. Nag-iisang Pilipino si Gwen sa cast, at siya ang bida!
Sa premiere launch ng The Witness na ginanap sa Resorts World dumating ang Indonesian producer nito, ilang members ng cast kasama ang napakagandang si Kimberly Ryder na gumaganap na sister ni Gwen at ang director ng movie na si Mohammad Yussuf. Marami ang nabighani sa beauty ni Kimberly na malaki ang role sa pelikula.
Suwerte naman ni Derrick dahil mabilis na sinama sa imbitasyon niyang kumain sa labas ang magandang artista. Sinabi nito na susuklian niya ang kabaitan ni Derrick kapag pumunta ito ng Indonesia to promote the film. Kasalukuyan nang palabas sa bansa ang The Witness.
Samantala, wala palang dapat ika-worry si Gwen dahil pinanood ng marami ang pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan dito nung Miyerkules. Bukod sa excited ang Pinoy na makapanood ng isang international movie na ang star ay isang Pilipino, mahilig talaga tayo sa mga nakakatakot at suspense thriller na pelikula.
Angel nagkuwento ng kanyang sekreto
Bakit ba hindi sasaya ang mga gumagawa ng produktong Mosbeau eh napaka-game ng endorser nilang si Angel Locsin na i-promote ang produkto. Maski sa kanyang sariling pamilya ay sinasabi niya ang pagiging epektibo nitong magpaganda ng kanyang kutis. Ito rin ang sinasabi niyang dahilan kung bakit malinis at walang pimples ang kanyang mukha. Pero bukod sa pagiging radiant ng kanyang skin, nakatutulong ang mga produkto ng Mosbeau na mapanatili siyang malusog dahil sa taglay nitong mga bitamina.
Twitter nakakasira sa mga artista
Ngayon, nagsisimula nang ma-realize lalo na ng mga artista na sa halip na makatulong sa kanila ang pagkakaroon ng Twitter account ay mas maraming hindi magagandang epekto ang ibinibigay nito sa kanila because they have to bear with the cruelty of many Twitter users na animo’y nabigyan ng lisensiya na murahin sila at laitin pati ang kanilang pagkatao.
Kung dati ay tutol na ako sa paggawa ng medium ng marami para ilabas ang kanilang sama ng loob at sagutin ang kanilang mga kaaway, mas lalo na akong tutol ngayong nagmumurahan na sila’t mga foul at below the belt na ang mga sinasabi sa isa’t isa. Marami ang sa halip na i-block ‘yung mga hindi magagandang sinasabi ay sinasagot pa kaya ayaw matapos ng isyu.
Feel ko rin na ‘yung mga walang Twitter account ay huwag nang makilahok at baka sila naman ang pagbalingan ng mga salbaheng twitters. Wala naman silang laban dahil sila ang kilala at hindi ‘yung mga kalaban nila.
Piolo kailangan na ring magsalita
Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Piolo Pascual ngayong prime suspect siya ng ina ng kanyang ex na si KC Concepcion na siyang nasa likod ng mga hindi magagandang mga salita na lumalabas sa Twitter?
Pananatilihin ba niya ang kanyang pagiging tahimik o ipagtatanggol man lamang ang kanyang sarili dahil mabigat na akusasyon ang ibinabato sa kanya?
- Latest