^

PSN Showbiz

'Eh ano kung tomboy si Charice'

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Problema ba kung totoong tibo si Charice? Sa US siya gumagawa ng karera na kung saan ang­ lahat ay tinatanggap na pantay-pantay, wa­­lang bakla, tomboy, pangit, at mataba. Basta may ta­lent, o kung suwerte ka pasok ka.

 ‘Si Charice naman na tulad nang pinatutunayan niya ay hindi isang ordinaryong talento, magaling siya at ito ay matagal na niyang napatunayan. Dito lang naman sa atin kinukuwestiyon ang bigla niyang pagpapalit ng imahe na akala mo ay nakabawas na ng kanyang talent, gayung hindi naman. Hayaan na natin siya sa kung saan siya maligaya.

Katrina ayaw papanagutin si Kris Lawrence

Ayaw ni Katrina Halili ng asawa, sapat na sa kanya ang magkaroon ng anak.

Kahit tutol ako, wala naman akong magagawa kung ayaw papanagutin ni Katrina ang ama ng ipinagbubuntis niya. Ito ay sa kabila ng alok ni Kris Lawrence na aakuin niya at pananagutan kahit pa ‘di nila inaamin ni Katrina ang hinalang siya nga ang ama ng ipinagbubuntis nito.

Gone are the days na naghahabol ang mga babae sa mga lalaking nakakabuntis sa kanila. Sa panahon ngayon, marami na ang mga nabubuntis na tumatanggi sa alok na kasal ng mga nakabuntis sa kanila.

Anja Aguilar pinag-iinteresan na

Marami na ang interesado at nagsisimula nang magtanong kung sino ba itong bagong singer na nagngangalang Anja Aguilar. Nagsisimula na itong magpapansin sa ASAP at hindi mo naman maiiwasan na isnabin dahil bukod sa magaling ngang kumanta ay maganda pa rin. Bentahe rin nito ang kanyang kabataan. Obvious na bini-build up siyang mabuti ng ASAP dahil isinasama siya palagi sa mga sikat na mainstays nito.

Alaga din pala si Anja ng Viva kaya maagang ginawan ng album na naga­gamit niya para sa kanyang pagtahak sa stardom.

vuukle comment

ALAGA

ANJA

ANJA AGUILAR

AYAW

BENTAHE

CHARICE

DITO

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

SI CHARICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with