Kathryn nakakaramdam ng matinding pressure!
Kababalik pa lamang ni Kathryn Bernardo sa bansa mula sa taping ng kanyang bagong teleseryeng The Princess and I sa Bhutan.
Malapit daw ang Bhutan sa mga bansang Nepal, China, at India. “Almost two weeks kami sa Bhutan tapos nag-Bangkok din before kami dumating ng Manila. Sa taping halos everyday kaming magkakasama maghapon so parang makikilala mo talaga ‘yung bawat tao, ‘yung mga staff at directors namin. Mas nakilala ko si Quen (Enrique Gil) sa taping namin ngayon,” kuwento ni Kathryn.
Ngayon pa lamang daw ay napi-pressure na si Kathryn para sa nalalapit na pagpapalabas ng nasabing serye lalo pa’t pinagkatiwalaan siya ng Kapamilya network para rito. “Kinakabahan ako, sana ‘yung trust na ‘yun huwag ma-break, pinaghandaan namin ito. Before kami pumunta meron kaming parang workshops tapos nag-script reading kami. Pagpunta dun sa set, ready na lahat. Mabilis ‘yung bawat scene na nagagawa. Kasi limited lang ‘yung time namin, half day lang kami kasi puro day effect. Sa Bhutan konti lang ‘yung Pinoy, wala masyado. Marami silang tourist na mga medyo matatanda na kasi ‘yun ‘yung place na pinupuntahan nila para mag-relax,” dagdag pa ni Kathryn.
Ayon pa sa young actress ay ibang-iba raw ang kanyang role ngayon kumpara sa mga nagawa na niya noon. “Parang first time yata natin na magte-taping na ibang environment. Tapos ‘yung ibang language, tapos ‘yung mga costumes, and ‘yung character ko as Mikai na very different from Mara. Iba talaga ito kasi ‘yung story niya very light kasi gusto rin nila na magkaroon ng light sa primetime na hindi puro heavy ‘yung story,” giit pa ni Kathryn.
Luis ipinauubaya sa tadhana ang kapalaran sa pulitika
Wala pa raw plano hanggang ngayon si Luis Manzano para sa Holy week pero may posibilidad daw na magkasama sila ng kasintahang si Jennylyn Mercado sa mga araw na iyon. “Most probably, kasi wala naman tayong trabaho pero kung ano ‘yung exact dates hindi pa ako nakakagawa ng plans for that. I don’t know yet pero wala pa akong plano. Last Holy week nasa Batangas lang kami. Actually kapag Holy week hindi ako nagbo-Boracay. Always the week after pero kapag Holy week itself nasa Batangas ako,” pagtatapat ni Luis.
Napag-uusapan na rin daw nina Jennylyn at Luis ang paglagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya. “It’s a thought, it’s a lingering thought pero sa rami pa ng aking gagawin, ‘yun muna ang aasikasuhin ko,” pahayag ng binata.
Samantala, malaki rin daw ang posibilidad na pasukin na ni Luis ang pulitika sa mga susunod na taon. “It’s a mystery, magugulat ka na lang kung saan ka dadalhin ng tadhana,” makahulugang pagtatapos ng binata. -Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest