Serye ni Richard binago na ang title
Kahapon at ngayong Huwebes ang workshop ni Richard Gutierrez kay Nanding Josef bilang paghahanda sa taping ng action-drama series niya sa GMA 7. May horseback riding lesson din ang actor.
Mula sa Rancho Paradiso, Makapiling Kang Muli na raw ang title ng drama series ni Richard to be directed by Ricky Davao.
Wala pang advise kung kailan ang airing ng action-drama series at kung anong soap ang papalitan.
Sina Carla Abellana at Sarah Lahbati ang leading ladies dito ni Richard na pareho na ring excited na makatrabaho ang actor. First primetime soap ito ni Sarah, kaya expected na siya ang mas excited.
BB ginaya ni Martin
Sana lang, hindi magreklamo si BB Gandanghari na kapangalan niya ang karakter ni Martin Escudero sa Moron 5 and The Crying Lady. May eksena pang naka-red long gown si Martin na ang ganda-ganda.
First movie ni Martin sa Viva Films ang Moron 5 and The Crying Lady at pinayagan daw siya ng Regal Entertainment kung saan siya may exclusive contract. Nagpaalam daw sila ng manager niyang si Popoy Caritativo kay Mother Lily at agad siyang pinayagan dahil wala naman siyang ginagawa pang pelikula sa Regal.
“Wala namang pinagkaiba ang working experience sa Regal at Viva, mababait ang mga taga-Viva, sobrang mapagbigay ang mga kasama ko at mabilis magtrabaho si Direk Wenn Deramas, walang tension,” kuwento ni Martin.
Pinaaabangan ni Martin ang gay bar scene nilang magkakasama, nag-macho dancing sila saliw sa kantang Kiss. Daring daw ang eksenang ‘yun at ipinauna nang hindi siya ang may kissing scene kay John “Sweet” Lapus.
Sa April 7 na ang showing ng pelikula na co-producer pala ng Viva Films sina direk Wenn at AiAi delas Alas.
Mikael naghihintay ng bagong pelikula
Hawak-hawak ni Mikael Daez ang certificate of nomination niya sa New Male Breakthrough Performance category sa Golden Screen Awards na gaganapin sa Sabado sa Teatrino Promenade. Nominado ang actor para sa Temptation Island, his first movie.
Waiting daw siya for his next movie at sana raw totoo ang balitang kasama siya sa cast ng Co?o Problem ng GMA Films lalo na nang malaman kung sino ang nasa cast.
Samantala, masaya si Mikael sa role niya sa My Beloved bilang si Nelson na may karibal ni Benjie (Dingdong Dantes) kay Sharina (Marian Rivera). Wala pa raw siyang one year sa GMA 7, pero magagandang project na ang binibigay sa kanya.
Ex ni Aiza may bagong ‘alaga’ na
Na-interview ng press si Chen Sarte, ang ex ni Aiza Seguerra na manager ng new singer na si Cathy Go. Nakakalungkot ang inamin nitong wala na silang communication ni Aiza after their break-up at hindi niya alam ang issue nito sa ibang girls. Ayaw nitong maniwalang para sa kanya ang “I miss you” tweet ni Aiza.
Si Cathy pa lang ang talent ni Chen na nadiskubre niya nang mag-front act ito sa gig ni Aiza sa MetroBar. Kinuha niya si Cathy nang wala na sila ni Aiza at kitang enjoy ito sa pagma-manage, kaya itsa-puwera muna ang love life sa kanya.
Itinanggi ni Chen na pinagselosan niya si Krizza Neri, ang talent ni Aiza sa Protégé dahil kasama siya ni Aiza nang piliin si Krizza at hanggang matapos ang singing search, nandu’n siya.
Nagulat kami sa nalamang type ni Chen si Ian Veneracion na nakita niya noong bata pa siya at hanggang ngayon, ang actor pa rin ang peg niya sa gusto niya sa lalake.
Anyway, ang galing pumili ng talent ni Chen dahil magaling si Cathy na nag-launch ng kanyang Find My Way to You album under Mayumi Records ni Bayang Barrios. Ang mahusay na si Mike Villegas naman ang producer ng album.
- Latest