^

PSN Showbiz

Gwen, lusot sa The Witness!

- Veronica R. Samio -

Dapat ipagpasalamat ni Gwen Zamora ang pagkakakuha sa kanya ng isang Indonesian film company para lumabas sa kanilang nakakakabang pe­likula na pinamagatang The Witness. Bukod sa siya talaga ang bida sa pelikula, nabigyan siya ng isang napakagandang pag­kakataon na maipamalas ang kanyang kakayahan sa pag-arte. At hindi siya nabigo, nakita ng mga manonood for the first time na hindi lamang isang magandang mukha ang taglay niya, isa rin siyang mahusay na aktres na maipagkakapuri ng sinumang kukuha ng kanyang serbisyo.

Ewan ko kung ilang timbang luha ang iniiyak niya. Wala siyang ginawa sa pelikula from the start up to the end kundi ang umiyak nang umiyak. Hindi ko naman siya masisi. Sabay-sabay ba na­mang ma-murder ang pinaka-mamahal niyang pamilya sa isang iglap at kung sa iba mangyari ‘yun ay baka hindi lamang luha ang dumaloy sa kanilang  pisngi, baka mamatay na rin sila sa takot.

Bagaman at marami ang hindi sang-ayon na mapanood ang sunud-sunod na pagpatay gamit ang isang shotgun wala kang magagawa kundi ang makisimpatiya sa kaarakter ni Gwen, dahil ‘yun ang paraang ginawa ng kanyang metikulosong Indonesian director na si Muhammad Yusuf para maghasik ng takot sa kanyang mga manonood.

Makaka-relate ang lahat ng mga Pinoy na ma­nonood ng pelikula dahil may  Tagalog dia­­logues.

Hindi nag-iisa si Gwen na maganda sa movie, maganda rin ang aktres na gumanap bilang Safara, ang sister niya. Guwapo rin naman ang aktor na gumanap ng role ng boyfriend nito. Maganda ang musika na ginagawa ng karakter niya’t pini-perform bilang isang musikero.

Talagang hindi ma­­papakali sa kani­lang upuan ang mga manonood sa mga hu­ling eksena ng The Witness.

Kahit sabihin pang halos mamatay na ang karak­ter ni Gwen bago dumating ang saklo­lo, still mai-enjoy ng ma­nonood ang takot na ma­raramdaman ng lahat sa panonood ng isang internatio­nal movie na Pinay aktres ang bida.

Maja hahataw na rin sa kantahan

Si Maja Salvador naman ang susunod na sasabak sa pagkanta. Hindi man ito pinalad na maging Best Actress sa ka­tatapos na Star Awards for Movies na balitang naging malakas ang laban niya sa nasabing kategor­ya, sapat na ang nakuha niyang nominasyon para mapatunayan niyang magaling siyang artista.

Bago mag-embark sa isang singing career, kukuha muna ng voice lessons si Maja.

Bela nahaharap sa matinding pagsubok

 Mukhang si Bela Padilla ang mahaharap sa malaking pagsubok sa teleserye ng GMA7 na Hiram Na Puso dahil magiging mas demanding ang kanyang role bilang isang anak na namamalimos ng pagmamahal ng kanyang ina na ginagampanan ni Ayen Laurel.

Kasabay ng patuloy na paggaling ni Lira (Kris Bernal) ay ang tila paglipat dito hindi lamang ng puso ng namatay na si Angeline (Krystal Reyes) kundi maging ng buong katauhan nito na siya namang magdudulot ng lungkot sa ina nitong si Zeny (Gina alajar).

Abangan ang Hiram na Puso tuwing hapon sa GMA 7, pagkatapos ng Eat Bulaga.

AYEN LAUREL

BELA PADILLA

BEST ACTRESS

EAT BULAGA

GWEN

GWEN ZAMORA

HIRAM NA PUSO

ISANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with