^

PSN Showbiz

Cristine naiyak nang ma-realize na puwede siyang maging singer!

- Veronica R. Samio -

Hindi nahiyang umamin si Cristine Reyes na naiyak siya habang nagri-recording para sa sound­track ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Dahil sa Pag-ibig. Nakakaisang linggo pa lamang ang nasabing family drama/love story pero katulad ng mga naunang serye ng Dos ay nagpapamalas na ito ng lakas sa ratings. Sino ba naman ang hindi ma­iengganyong panoorin ang isang napakagandang istorya na binibigyang buhay ng mga sikat at ma­galing na Kapamilya actors tulad nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Christopher de Leon, Maricar Reyes, Rafael Rosell, Denise Laurel, San­dy Andolong, at marami pa. Hindi lamang ito ka­tulad ng napapanood pa rin na Walang Hanggan, meron itong isang official soundtrack ng mga magagan­dang awitin na kinakanta hindi lamang ng ilang mga artistang kasama sa serye tulad nina Piolo, Cristine, Bryan Termulo, at Angeline Quinto. Ang dalawang huling nabanggit ay mga paboritong Kapamilya singers ng mga teleserye theme songs. 

Napakaganda ng bersiyon ni Bryan ng klasikong awitin ni Aiza Seguerra na Pagdating ng Panahon. Akala ko nung una ay walang puwedeng kumanta ng nasabing awitin ng kasing ganda ng pagkakakanta ni Aiza pero pakinggan n’yo ang bersiyon ni Bryan at magagandahan din kayo. Maganda rin ang Maghihintay sa ’Yo ni Angeline, Sa Kanya ni Piolo, pero ang nakakagulat ay ang Nang Dahil sa Pag-ibig na inawit nang naging emosyonal na si Cristine.

Hindi naiwasang mag-emote ng sexy star habang inire-record niya ang Nang Dahil sa Pag-ibig dahil maski siya ay hindi niya akalaing magiging recording star siya. Alam niyang may boses siya at tulad ng kanyang kapatid na si Ara Mina ay puwede rin niya itong pagkakitaan pero sa hindi niya malamang kadahilanan ay hindi niya ito na-pursue.

 “Naiyak ako dahil tinanong ko ang sarili ko kung ano ba ang ginagawa ko sa studio. Bakit ba ako nagri-recording? And then I realized hindi lang ako binigyan ng boses para sa aking pag-aartista, pu­wede rin pala ako sa recording,” sabi ng maga­ling na artista na present sa launching ng Original Sound Track (OST) ng Dahil sa Pag-ibig na ginawa ng Star Records na ginanap nung Linggo sa SM North EDSA Sky Dome.

Si Piolo, na hinintay ng SRO audience ng Sky Dome, na I thought naapektuhan ng breakup nila ni KC Concepcion at sa mga rebelasyon nito ay wala akong nakitang hindi magandang epekto nito sa mga fans ng Kapamilya actor. Tinilian pa rin siya, hinangaan, dinumog, pinaghahalikan, at niyakap-yakap ng mga tao habang siya ay kumakanta.

Maxene walang dalang makipag-relasyon

It seems na kahit hindi natututo si Maxene Ma­galona pagdating sa kanyang love life sa pamamagitan sa pagpatol sa mga lalaking lungkot lang palagi ang ibinibigay sa kanya, split na naman sila ng pinakahuling non-showbiz guy na inibig niya, wala siyang nadaramang pagsisisi sa mga kinahahantungan ng kanyang relasyon. Naniniwala siya na talagang hindi pa lamang dumarating ang right guy for her pero sinasabi niya na maraming leksiyon naman siyang natutunan sa kanyang failed relationship that when the right man comes along, ito ang makikinabang sa mga leksiyon na natutunan niya because she has learned how to become a good partner.

Bianca pangarap magka-dance show

Sinabi naman ni Bianca King sa isang recent interview na gusto niyang magkaroon ng isang dance show. Bukod sa pag-arte, ang pagsasayaw ang isa sa passion ng magandang aktres na tulad nang ipinamalas niya nung Linggo sa Party Pilipinas na isang magandang dance number ang hinandog niya. Gra­duate na sa kanyang kurso sa filmmaking.

Sa kabila ng marami niyang puwedeng pagkaabalahan, sinabi ni Bianca na hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aartista. Dito siya nakilala at ang pagiging seryosong aktres ay kinikilala na hindi lamang ng mga manonood kundi maging ng mga kapwa niya artista at mga kasamahan sa industriya.

AIZA SEGUERRA

KAPAMILYA

NANG DAHIL

NIYA

PAG

SHY

SIYA

SKY DOME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with