^

PSN Showbiz

Juday excited kay Coco hindi kay Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ayon kay Judy Ann Santos, malaki ang ipinagbago ng kanyang inang si Mommy Carol mula nang magkaroon ng sariling pamilya ang aktres.

“You can see kung paano talaga naging subtle si mama. Kung paano niya lambingin ang mga apo niya. Parang tinitingnan mo siya, ’di ka ganyan noong kami lang. After the wedding and after I gave birth, para talaga kaming naging magbarkada, naging mag-best friend,” pahayag ni Judy Ann.

Minsan naman ay merong ilang bagay na hindi napagkakasunduan sina Juday at Mommy Carol pagdating sa pag-aalaga kina Yohan at Lucho. “Masyado kasi kaming protective ni Ryan (Agoncillo), doon lang siya parang na-off na ‘masyado namang maarte ’tong mag-asawang ’to. Ano ba’ng gusto n’yong iparating? Parang gusto n’yong itago ’yung anak n’yo,’” kuwento ng aktres.

Iba rin naman ang pamamaraan nilang dalawa ni Ryan na pagdi-disiplina sa kanilang mga anak. “Halimbawa, dini-disiplina si Yohan, isa sa amin ’yung papatol. Hindi rin naman aamuin, bibigyan namin ng time si Yohan na i-absorb lahat ng pangyayari, saka namin kakausapin in a calm way,” paglalarawan ni Juday.

Samantala, kamakailan ay napabalitang may posibilidad na magkasama sina Judy Ann at Piolo Pascual sa isang proyekto pero hindi naman ito natuloy.

“Lahat ng bagay napag-uusapan. Lahat ng bagay nagagawan ng paraan, basta maging maayos lang ang pag-uusap na magaganap. Mula sa istorya, naghahanap lang siguro tayo ng maayos na panahon,” giit ni Juday.

Ngayon ay pinaghahandaan na ng aktres ang bagong proyektong pagsasamahan naman nila ni Coco Martin.

“Excited akong makatrabaho si Coco kasi kapag pinapanood ko siya, nakikita ko kung gaano siya ka-intense umarte. Nakikita ko kung gaano siya mag-motivate,” pagtatapos ni Juday.

Melissa masaya na uli dahil kay Paul Jake

Kamakailan ay inamin ni Paul Jake Castillo sa programang Kris TV na nagde-date na sila ni Melissa Ricks ngayon. Marami ang nagulat sa mga naging rebelasyon na ito ng aktor sa nasabing TV show.

Paano nga ba sila nagkakilala ni Melissa? “Common friends, we just go out. We have dinner. Go out with friends. Do anything whatever we wanna do. I hope naman, I’ll be a better person and I can make her happier. I’m happy to have met her din. I hope she’s really happy dating me,” pahayag ni Jake.

Ayon naman kay Melissa, naging masaya ulit siya ngayon.

“It took me a while to find somebody to be like normal and happy again. Siyempre after your first heart break it takes a lot out of you. Siyempre naman flattered ako di ba na sinasabi niya sa buong mundo na nanliligaw siya sa akin. All I can say is that he really makes me happy. Siyempre ’pag stressed ka sa work, it’s good to have someone to talk to and to be with,” pagtatapat naman ni Melissa.    — Reports from JAMES C. CANTOS

ALL I

AYON

COCO MARTIN

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

NAMAN

SIYEMPRE

YOHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with