^

PSN Showbiz

Aga at ER parehong best actor sa Star Awards

- Veronica R. Samio -

Wala namang nakitang hindi magandang reaksiyon sa dalawang beses na pagkakaroon ng tie sa katatapos lamang na Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), una, sa pagitan nina Baron Geisler at Jake Cuenca bilang best supporting actor at, ikalawa, kina Gov. ER Ejercito at Aga Muhlach na parehong nanalong best actor.

Unang acting award ’yun ng gobernador ng Laguna makaraan ang 28 taon na pag-aartista. Samantalang isa lamang ’yung kasunod na award para kay Aga na naulit lamang 20 years after. Kaya nga hinabaan na niya ang kanyang acceptance speech at baka after 20 years na naman maulit eh baka hindi na niya kayanin dahil 62 na siya by that time.

Masaya si Aga dahil it was a memorable film na ginawa niya para sa Star Cinema bago siya lumipat ng TV5.

Napanalunan ni Aga ang kanyang best actor sa pelikulang In the Name of Love na napanalunan din ng kanyang ka-partner na si Angel Locsin ang best actress.

Hindi naman inakala nina Baron at Jake na magkakalaban sila sa supporting actor category.

Swak ang apat na host ng Star Awards For Movies. Si Anne Curtis, panay ang pagpapatawa sa audience sa pamamagitan ng pagkanta tuwing may break. Panay din ang pakiusap ng mga co-hosts niya na sina Derek Ramsay at Aga na itigil na niya ang pagkanta. Siyempre, nagbibiro lang ang dalawa pero alam kaya nila na hindi nag-lip synch si Anne sa kanyang production number? Yes, live niyang kinanta ang Dancing Queen at hindi siya pumiyok, mind you. Humanga rin ang audience sa kanyang ’50s look. Maganda niyang dinala ang kanyang damit na may malaking butas sa may itaas na bahagi ng damit sa harapan. Sabi ng katabi ko hindi ’yun look of the ’50s dahil mahiyain ang mga girls nung panahong yon.

 Dalawang award ang napanalunan ni Derek. Ang isa ay Male Face of the Night at ang ikalawa ay Mr. Great Shape Personality. Nakuha naman ni Aga  at ni KC Concepcion ang special award bilang Male and Female Stars of the Night. Sa pagsisimula pa lamang ng pagho-host ni Aga, matapos niyang palitan si Derek, ay panay na ang pangungumusta nito sa anak ni Mega na iniwasan nito sa pamamagitan ng pagpapalit ng tema ng kanilang pinag-uusapan. Nang lumaon ay napilitan na si KC na sabihing naka-move on na siya sa itinatanong ni Aga na obviously ay alam ng lahat.

Pinaka-emotional winner si Jillian Ward. Halos hindi na ito makapagsalita dahil sa pag-iyak. 

Pinaka-disappointed loser for sure si Maja Salvador. Maraming napanalunan ang pelikula niyang Thelma kasama na ang best digital movie at best director pero nakakawala pa sa kanya ang best actress. Maski na sa production number niya ay napag-iwanan siya nina Ciara Sotto at Pauleen Luna.

Matagumpay ang Star Awards For Movies. Walang halong biro, SRO ang Meralco Theater.       

Tinalbugan naman ni Ruffa Guttierez ang lahat ng mga artista nang lumabas ito ng stage para ipakilala ang kanyang ama na napiling pagkalooban ng Ulirang Artista Award ng PMPC. Hindi lamang nagpakita ng cleavage ang kanyang ginintuang gown, nakita rin sa mahabang slit nito ang kanyang binti at hita.

Pinaka-malaking winner ng 28th PMPC Star Awards For Movies ang mga pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salong Story at Thelma. Darling of the Press naman si Atty. Persida Acosta na nangakong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng agarang hustisya sa mga nangangailangan nito.

Anak ni Gov. ER bibida sa Ben Tumbling

Pagkatapos ni Gov. ER Ejercito ay ang anak naman niyang si Jericho ang bibigyan nila ng pagkakataong magbida sa pelikula. Ipagkakatiwala nila rito ang isang role na una nang naisapelikula pero tulad nang ginawa nila sa Asiong Salonga ay mas lalaliman pa nila ang research sa buhay ni Ben Tumbling na gumawa rin ng ingay nung kanyang kapanahunan.

Aga at KC magsasama sa pelikula

Para ngang magandang kombinasyon sina KC Concepcion at Aga Muhlach. Base sa kanilang tuksuhan nung gabi ng Star Awards for Movies, nabanggit ang posibilidad ng paggawa nila ng pelikula ng magkasama. Kung hindi sa Star Cinema ay sa Viva.

Okay naman ang dalawa sa proyekto at malay natin, baka ang ’di natuloy na muling pagsasama ng ina ni KC na si Sharon Cuneta at Aga ay matuloy kay KC.

AGA

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

BEN TUMBLING

KANYANG

PINAKA

STAR AWARDS FOR MOVIES

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with