^

PSN Showbiz

BB overaged na rin sa showbiz

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Dapat enjoy-in na lang ni BB Gandanghari ang kanyang pagiging isang ‘babae’ at huwag nang mag-isip ng kung anu-anong mga gawain ng mga mas nakababata sa kanyang mga babae tulad ng pagiging isang modelo. Unang-una overage na siya. Baka puwede pa siya sa pag-aartista pero ang pagmomodelo naman talaga ay para sa mga nakababata lamang.

Bagong bahay ni Julia kinaiinggitan?

Maganda talagang trabaho ang pag-aartista. Kaya nga ang daming gagawin ang lahat makapag-artista lang.

Nakaka-inspire pa ‘yung pagkakaroon  agad ng bahay na nagkakahalaga ng milyones ni Julia Montes. I’m sure hindi na nahuhuli sa kanya ang katandem niyang si Kathryn Bernardo.

Hindi sana mainggit ang marami kung napi-feature ang mga bahay ng artista kundi man sa TV ay sa magasin. ‘Yun nga namang ordinaryomg nilalang ay pumuputi na ang buhok sa katatrabaho pero walang sariling bahay. Samantalang napakaraming artista na kabataan pa at sasandali pa lamang sa showbiz pero nakakabili na ng kotse’t bahay. Marami nga ang kinakalimutan na ang kanilang pag-aaral at kuntento na sa home study program. Katuwiran nila, nag-aaral sila para magkatrabaho pero kung artista na sila’t kumikita bakit pa sila mag-aaral?

Aljur at Rhian sementado na ang pagkakaibigan

Mukha namang isang magandang friendship ang nabuo kina Aljur Abrenica at Rhian Ramos sa pagsasama nila sa My Kontrabida Girl. Sabi ni Rhian hindi pa nila ginagawa ang pelikula ay friends na sila. Nakuha nila ang loob ng isa’t isa when they made Ilumina. Sinimento lang ng MKG ang pagkakaibigan nilang ‘yun.

       

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

GANDANGHARI

ILUMINA

JULIA MONTES

KATHRYN BERNARDO

MY KONTRABIDA GIRL

RHIAN

RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with