Ruffa at Angel very Angelina Jolie sa sinuot na gown
SEEN : Ang hitsura at gown ni Angelina Jolie sa nakaraang Oscar Awards ang peg nina Ruffa Gutierrez at Angel Locsin nang dumalo sila sa 28th Star Awards For Movies sa Meralco Theater noong Miyerkules.
SCENE : Parang continuation lang ng concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum noong January ang opening number niya sa Star Awards For Movies.
Consistent si Anne sa kanyang sintunado na pagkanta.
SEEN : “Ano po itong napanalunan ko?” ang tanong ni Angel Locsin nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng special award na Miss Great Shape Personality.
SCENE : Male Celebrity with the Most Radiant Skin ang special award na napanalunan ni Laguna Governor Jeorge Estregan, Jr.
Male Celebrity Sexiest Appeal of the Night ang special award na natanggap ni Gov. Estregan sa Metro Manila Film Festival Awards noong Dec. 28, 2011.
SEEN : Si Marc Abaya ang tumanggap ng karangalan na ibinigay ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanyang nanay na direktor, si Marilou Diaz-Abaya, ang Natatanging Alagad ng Sining Award.
Hindi nakadalo si Marilou dahil katatapos lamang ng kanyang chemotherapy.
SCENE : Madaling nahulaan ang mga mananalo sa 28th Star Awards for Movies dahil dumating ang winners, wala ang ibang mga nominado.
SEEN : Hanggang lobby lamang ng Meralco Theater ang mga TV crews ng GMA 7, TV5, at ibang mga TV stations dahil exclusive sa ABS-CBN ang coverage ng 28th Star Awards For Movies.
SCENE : Mapapanood sa ABS-CBN sa darating na Linggo ang Star Awards For Movies na edited na dahil walang relevance ang speech ng ibang mga nagwagi.
- Latest