^

PSN Showbiz

Piniling kanta pinintas-pintasan ng mga hurado, Jessica nanganganib sa American Idol

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi napabilib ni Jessica Sanchez, ang Mexican-Pinay na nakapasok sa American Idol Season 12 ang mga hurado sa ginanap na Year You Were Born night sa AI na mapapanood pa lang ngayong araw sa bansa nang kantahin niya ang Turn the Beat Around ni Gloria Stefan. Kaya malamang na manganib daw siya this week.

Magkakaibang negative comments ang natanggap ni Sanchez sa mga hurado na kinabibilangan nina Steven Tayler, Jennifer Lopez, at Randy Jackson.

 Ayon kay Randy Jackson hindi nag-shine ang big old voice ni Jessica sa pinili nitong kanta.

 “You’re one of the greatest in this competition so I feel that we should really steer you always on the right direction and give you great constructive criticism. The problem for me was the song choice. You got the big old voice. The song does not allow you to show that,” dagdag nito.

Nagsimulang malakas ang laban ni Jessica sa bagong season ng AI.

Sarah G. gusto ring magsulat ng sariling kanta

Sa kabila pala nang pagiging pop princess ni Sarah Geronimo, meron pa siyang wini-wish : “Gusto ko someday, matutunan kong magsulat ng sarili kong kanta, magkaroon ng courage na magsulat ng sarili kong kanta, at maraming collaboration with other artists,” sabi niya sa kanyang website na sarahgeronimo.com.

Minsan din ay nangangarap siya ng international stardom. ‘Yun ay kung mabibigyan daw siya ng chance.

 “In God’s will, mabigyan din ako ng pagkakataon na bigyan ng honor ‘yung bansa natin or make it sa international music scene kung gusto ni Lord,” dagdag ni Sarah.

“Siyempre napakarami pong magagaling na artist o singers o performers pero ako lang po ang isa sa mga nabigyan ng pagkakataon kaagad na i-share ‘yung talent na meron ako, so doon pa lang po, nagpapasalamat na ako at kung mabibigyan pa ako ng karagdagang blessing nagpapasalamat na po ako ngayon pa lang,” sabi ng pop superstar na nag-host ng Whitney Houston Special na umere sa ABS-CBN last Sunday night.

Iba na nga ang level ng husay ni Sarah bilang performer. Sa kanyang sariling programang Sarah G. Live (ABS-CBN), pinatunayan niya ito.

Baguio Laspag Na

Bakit ganun ang panget na ng Baguio, ang kilalang summer capital ng Pilipinas.

Aba nang minsang pumunta kami sa imbitasyon ng TV5, nagkaroon kami ng pagkakataong makapasyal-pasyal uli.

Iba na ang hitsura niya. Maraming lugar ang marumi at nagkalat ang basura sa tabing kalsada.

Meron ding lugar na ang daming squatters ha, ‘yung tipong mga nakasampay ang mga damit sa ibabaw ng mga bubungan nila at may mga nakapatong na gulong sa kanilang mga bubungan.

At ang mga dating malulusog na punong-kahoy, brownish na ngayon dahil polluted na ang buong lugar. Nagda-dry na.

Kahit ang dating magandang lugar na Mines View, crowded na. At may recorded reminder sila na mag-ingat ang lahat sa magnanakaw dahil nagkalat sa nasabing lugar.

Kaya talagang hindi ka na gaganahang mamasyal sa takot pa lang na baka any moment ay masalisihan ka habang nagpapa-picture.

Sa Session Road, maraming nagkalat na magnanakaw. Isang kasamahan sa panulat ang namamasyal lang sa nasabing lugar dahil nga hindi pa officially natatapos ang celebration ng Panagbenga Festival nang pumunta kami. Ayun, naagaw lang naman ang iPhone niya.

Hindi na talaga safe sa nasabing lugar. Nakakahinayang, hindi naalagaan ang Baguio.

Hindi na ito katulad dati na parang nakakawala ng stress pag andun ka. Kaya nga ‘yun ang napiling pagkasalan noon nina Aga at Charlene Muhlach. Pero wala na ang dating Baguio. Laspag na. Kaka-sad.

AMERICAN IDOL

BAGUIO LASPAG NA

CHARLENE MUHLACH

GLORIA STEFAN

JENNIFER LOPEZ

JESSICA

KAYA

RANDY JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with