Jose kailangang magbigay ng bond na P2M tuwing mag-a-abroad
Dusa pala pag nag-a-abroad ang sikat na singer-comedian-TV host na si Jose Manalo dahil sa tuwing lalabas ito ng bansa ay kinakailangan nitong maglagak ng bond na nagkakahalaga ng P2 million dahil sa kasong isinampa ng kanyang ex-wife. Kaya kapag may trip ang Eat Bulaga sa ibang bansa, parating nagpo-post ng bond ang TAPE, Inc., producer nila.
Nalaman lamang namin ang isyung ito dahil balak sana naming dalhin sa Japan ang tambalang Jose at Wally Bayola dahil nire-request sila ng ating mga kababayan doon.
Patuloy mang binabatan si Jose ng dating misis, nakasuporta naman sa kanya ang Eat Bulaga family niya at maging ang kanyang mga tagahanga.
iya at Nikki hindi kapitin ng intriga
Matagal-tagal na ring na showbiz ang magkaibigang Iya Villania at Nikki Gil pero ang maganda sa dalawa ay hindi pa sila nasasabak sa anumang intriga, bagay na kanilang ipinagpapasalamat.
Sina Iya at Nikki ay parehong nasa pangangalaga ng talent manager na si Arnold Vegafria since nasa iisa silang management outfit, isa ito sa mga dahilan kung bakit sila close sa isa’t isa. Kamakailan lamang ay magkasamang ni-launch sina Iya at Nikki bilang pinakabagong celebrity endorsers ng BioEssence ni Dr. Emma Guerrero, ang founder at pangulo ng kumpanya dahil sa pagiging maganda ng image ng dalawa.
Bukod sa parehong maganda ang takbo ng kanilang respective careers, maganda rin ang takbo ng kanilang love life. Si Iya ay walong taon na ang relasyon sa GMA 7 host na si Drew Arellano at si Nikki naman sa singer-dancer-TV host na si Billy Crawford.
- Latest