Beth nagwo-work na admin assistant sa isang PR company sa New York
Nakatanggap kami ng e-mail mula sa aming inaanak (sa kasal) na si Beth Tamayo. Kinumpirma nito sa amin na matagal na silang hiwalay ng kanyang asawang si Johnny Wong. Beth has relocated sa Queens, New York, USA since December 2008 at nagwo-work sa Manhattan sa isang PR company bilang administrative assistant.
Ayon kay Beth, marami na rin siyang mga kaibigan sa New York pero nami-miss niya ang kanyang showbiz career.
Umuwi ng Pilipinas ang aktres last September para sorpresahin ang kanyang mommy sa kaarawan nito. Dalawang linggo siyang nanatili rito.
May legal problems mang kinakaharap ngayon si Beth sa Pilipinas, umaasa siyang maaayos ito sa lalong madaling panahon.
Julia inako lahat ng gastos ng pamilya
Unti-unti na ring natutupad ang mga pangarap ng showbiz’s newest princess na si Julia Montes na magsi-17 ngayong March 19. Inamin ni Julia na siya’y nagpapasalamat, una sa Diyos dahil sa mga biyayang dumarating sa kanya, sa Star Magic na siyang nangangalaga sa kanyang career, sa kanyang Lola Flor na patuloy na gumagabay sa kanya at sa mga fans na sumusuporta sa kanya.
Si Julia ay Mara Hautea Schinittka, Pinay ang kanyang inang si Gemma Hautea at German naman ang kanyang ama na never niyang nakita at nakilala since birth. Ang kanyang estranged parents ay parehong deaf and mute. Gustuhin man ng kanyang inang samahan si Julia sa kanyang mga lakad, mahihirapan ito dahil hindi makapagsalita at hindi rin makarinig, kaya ang kanyang Lola Flor ang kanyang kasa-kasama sa kanyang mga lakad.
Ayon sa lola ni Julia, napakabait na bata ng apo at wala itong ipinagbago kahit ngayon na kilala na sa showbiz. Priority nito sa ngayon ay kung paano niya mai-improve ang kanilang pamumuhay. Noong isang taon, nakabili si Julia ng kanyang kauna-unahang sasakyan, isang Toyota Innova na kailangang-kailangan niya sa kanyang trabaho. At sa kanyang ika-17th birthday ay lilipat na silang mag-anak sa isang bagong bahay sa Antipolo, Rizal na naipundar mismo ng young star sa isang exclusive subdivision doon.
“Kung noon ay madalas kong ipangutang ang pambayad namin ng tubig, kuryente, at iba pang gastusin, ngayon ay hindi na. Si Julia na ang bumubuhay sa amin,” pag-amin sa amin ni Lola Flor.
Si Julia ay may dalawang half-brothers sa mother side – sina Patrick (15) at Paolo (10). Ang alam nila, may sariling pamilya na ang German dad ni Julia pero wala silang communication.
“Nag-pay off din ang pagiging kuripot ko,” natatawang pahayag ni Julia nang kanyang ibalita ang blessing ng kanyang naipundar na bahay on March 20, one day after her birthday.
Hindi ikinakaila ni Julia na biggest break niya ang TV remake ng Mara Clara na unang pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Ito ay pinagsamahan nila ni Kathryn Bernardo na binigyan din ng solo project ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Princess and I na sa Bhutan pa ang taping.
Bukod pa sa magandang feedback ng Walang Hanggan, kabi-kabila rin ang product endorsements ni Julia.
Ano ang birthday wish ni Julia?
“Ang magpatuloy pa po ang magagandang blessings na dumarating sa akin,” aniya.
- Latest