Asawa ni Jose walang kakampi!
Hindi kinukunsinti ng Eat Bulaga ang sinasabi ng asawa ni Jose Manalo na pambababae nito. Meron lang daw talagang dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawa at bakit ngayon lang nagsasalita ang babae.
Siya rin ba ang asawa ni Jose na nasabit sa hindi magandang pangyayari nung araw at naging dahilan para mawala sumandali si Jose sa kanyang trabaho sa TV? Ipinagtataka kasi ng marami ang pagrereklamo nito ngayon lamang. Bakit hindi noon pa?
Jake hindi priority ang sarili
Hanga naman ako sa alaga kong si Jake Vargas. Kung ang prayoridad man niya ay ang work niya ngayon, dahil pa rin ito sa kanyang family na gusto niyang mabigyan ng magandang buhay. Saka na ang sarili niyang buhay. Happy naman siya sa takbo ng kanyang career ngayon. Magtatapos na ang Pepito Manaloto at kasama rin siya sa My Kontrabida Girl.
- Latest