^

PSN Showbiz

Vic lume-level sa pagiging 'papa'

-

MANILA, Philippines - Nakakamanghang isipin kung paanong ang beteranong komedyante at paboritong endorser na si Vic Sotto ay lume-level pa rin sa ‘papability’’ factor ng mas batang male stars after all these years. Napanatili ni Vic ang kanyang appeal at karisma kaya naman kaliwa’t kanan na lang ang mga intrigang nagli-link sa kanya sa iba’t ibang female stars na karamihan ay mas bata sa kanya.

Bagama’t sikat na sikat at mataas na ang estado sa industriya, napanatili pa rin ni Vic ang kanyang kasimplehan at nakakabilib na humility kahit marami siyang puwedeng ipagmayabang sa mahigit tatlong dekada niya sa showbiz.

Ngunit kahit binabato ng mga intriga si Vic, ni isa sa mga ito ay hindi nagtagumpay sa pagpapabagsak sa kanyang career. Salamat sa kanyang whole­some at kapita-pitagang imahe, hindi siya matina­g-tinag ng mga isyung kinasasangkutan niya.

Hanggang ngayon ay matagumpay pa rin si Vic sa kanyang career: siya lang yata ang may maraming show hindi lang sa isa kundi sa dalawang major networks, at ang kanyang huling ginawang pelikula ay humakot sa takilya at na­ging official top grosser sa MMFF.

Kaya naman, dahil sa kanyang kredibilidad at mala­king following, paborito si Vic na gawing endorser ng iba’t ibang produkto, magmula sa detergent soaps hanggang sa cough medicines.

Sa katunayan, si Vic ay endorser ng sikat na gamot sa ubo na Solmux na gawa ng nangungunang pharmaceutical company na Unilab. 

Sa showbiz kasi, ang katawan ang puhunan mo. It’s important for me that I entrust my health only to those medicines that are reliable. Mahirap magkamali sa aspetong ‘yan.,” sabi ni Vic. “Hindi puwede sa showbiz yung laging nagkakasakit. Kaya ako, kung nararamdaman ko nang magkakasakit ako, inuunahan ko na.”

Ngayong taon ay may bagong kampanya si Vic na may layunin na ipaalam sa publiko na mag-ingat sa ibang mga gamot sa ubo na napatunayang nagtataglay ng harmful bacteria. 

“Bilang isang endorser, responsibilidad ko hindi lang ang pag-kumbinsi sa mga mamimili na piliin ang produktong ineendorso ko pati ang pag-encourage sa kanila na maging mapili at maging maingat sa kanilang binibili lalo na kung ang nakasalalay ay ang kalusugan nila,” paliwanag ni Vic.

Bukod sa epektibong gamot, nakakatanggap din kaya si Vic ng haplos ng pagmamahal? 

“Ahem! Ahem!,” ang tanging sagot ni Vic. Naku! Mukhang kailangan niya ng Solmux para masagot ‘yan. 

BAGAMA

BILANG

BUKOD

KANYANG

KAYA

SOLMUX

VIC

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with