^

PSN Showbiz

BB pinauwi ng TV5!?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tahimik na bumalik ng Pilipinas si BB Gandanghari at nalaman lang ang pag-uwi niya dahil sa announcement sa Twitter ng kanyang hipag na si Mariel Rodriguez.

   Ang say ni Mariel, aapir si BB sa isang malaking TV pro­ject. Nakakundisyon na rin ang utak ni Mrs. Padilla na girl si BB dahil she and her ang ginagamit niya kapag napag-uusapan ang ex-kuya ng kanyang mister na si Robin Padilla.

Hindi ako nag-wonder nang bumalik sa Pilipinas si BB dahil there’s no place like home. Matagal na namalagi at nagtrabaho sa New York si BB at imposible na hindi niya na-realize na it’s so much fun in the Philippines.

’Di hamak na mas malaki ang kinikita ni BB sa pag-aartista kesa kanyang behind the scene work sa isang bar/restaurant sa New York.

May mga naghuhula sa TV network na nag-hire kay BB at ang duda nila, baka ang TV5 ang nagpauwi kay BB sa Pilipinas dahil ang Kapatid Network ang nagpauwi at nagbigay ng mga TV assignment kina Alice Dixson, Leandro Muñoz, at G Toengi.

Edu excited na uling mag-trabaho

Hindi natuloy ang original plan na magsimula noong March 10 ang Game ‘N Go ng TV5 dahil napagpasyahan ng management na umpisahan sa March 17 ang kanilang noontime show na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado.

Naghahanda na ang mga host ng Game ‘N Go sa pilot telecast ng kanilang show sa darating na Sabado. Hosts ng Game ‘N Go sina Edu Manzano, Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at Shalani Soledad-Romulo.

Ang Game ‘N Go ang comeback project ni Edu sa TV. Matagal na hindi napanood si Edu sa TV mula nang mag-goodbye sa ere ang game show niya sa GMA 7.

Excited si Edu sa pagbabalik niya sa TV dahil maganda ang concept ng bagong noontime show ng TV5. First time ni Edu na makakatrabaho si Shalani at nakadagdag ito sa kanyang excitement.

Joanne Quintas nawalan ng raket dahil sa tigdas

Nawalan ng raket si Joanne Quintas dahil affected siya ng mainit na panahon. Hindi ako sure kung measles o chicken pox ang dumapo kay Joanne na nag-beg off kaya hindi na siya ang make up artist ni Sen. Bong Revilla, Jr. para sa pictorial at TV commercial shoot nito.

Mahusay na make up artist si Joanne. Siya ang make up artist ni Bong sa mga pictorial at TV ad shoot. Ako ang nakikipag-usap kay Joanne kapag kailangan ito sa mga shoot ni Bong kaya nanghinayang ako nang sabihin niya na hindi siya puwede dahil not feeling well ang kanyang pakiramdam.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANG GAME

ARNELL IGNACIO

DAHIL

EDU

JOANNE

JOANNE QUINTAS

N GO

NEW YORK

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with