^

PSN Showbiz

Kinikita ng young actor pinaparte-parte mula sa mga magulang hanggang mga pamangkin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang laking suwerte ng young actor na ito dahil hindi kumukuha ng komisyon ang manager niya sa kinikita niya sa TV, movies, and endorsements. Bukod doon, tinutulungan din ng manager ang kanyang talent na makapag-ipon, pero hindi nakakaligtaang mag-share sa pamil­ya ng aktor.

Hinahati-hati ng manager ang pera ng aktor, tinitiyak nitong ang ma­laking pera ay diretso sa bangko at ang kalahati ay dini-distribute sa ama at mga kapatid ng aktor. Pati mga pamangkin, nabibigyan din ng share tuwing kumikita ng malaki ang aktor.

Hopefully, hindi irereklamo ng pamilya ng aktor ang manager lalo’t tungkol sa pera ang usapin dahil wala silang maitutumbas sa manager. Ipina-prioritize rin ng manager ang mga dapat unahing bilhin ng aktor sa kanyang pera, kaya madali itong nakabili ng sasakyan, naipaayos ang bahay, at nasusustentuhan ang pamilya.

JC tigil sa trabaho dahil binulutong

Ang sama tumiyempo ng bulutong ni JC de Vera dahil dumating ang birthday niya, kaya sa halip na sa labas mag-celebrate ng kaa­rawan ay sa bahay na lang ang aktor. Hindi rin nakapag-report sa ta­ping ng Valiente last Friday dahil din sa killjoy na bulutong.

Patungkol pala sa pagkakasakit ang emo tweets ni JC nitong mga nakaraang araw. Akala namin tungkol sa kanyang love life na zero mula nang mag-break sila ni Danita Paner.

Two to three weeks yata ang bulutong, paano na ang taping ni JC ng Valiente? Sabagay, tiyak na mareremedyuhan ito ng mga writers at ni Direk Joel Lamangan.

Samantala, next week na magsisimulang mag-taping sa Valiente si Tirso Cruz III na pumayag mag-guest for four weeks bilang si Don Luis. Nagpaalam sa ABS-CBN at pina­yagan ang aktor na mag-guest sa teleserye ng TV5 na isa siya sa original cast.

Kasama na rin sa Valiente si Nico Manalo, anak ni Jose Manalo at gaganap sa role ng best friend ni Gardo (JC). Sinundan ni Nico ang ama na kasama sa original cast ng teleserye.

Niño Muhlach pagdidirekin ng 2012 MMFF awards night

Tama ba ang nabalitaan naming ang Viva Entertainment ang producer ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night? Si Niño Muhlach ang magdidirek ng awards night at ang uncle nitong si Cheng Muhlach na ama ni Aga Muhlach ang over-all in-charge sa production. Ipinahayag ito sa Appreciation Dinner ng 2011 MMFF.

May mga nag-react sa pagkakapili kay Niño bilang director ng awards night, pero may rason naman siguro si Mr. Vic del Rosario kung bakit ang dating child actor ang choice niya. Let’s give Niño a chance at baka may mga fresh ideas siya para mas mapaganda pa ang awards night.

Sayang dahil nang makita namin si Niño a few weeks ago, hindi pa lumalabas ang balitang siya ang magdidirek ng 2012 MMFF Awards Night. Na­­kikipag-meeting ito sa kinuhang staff para sa ipo­prod­yus na TV show.

AGA MUHLACH

AKTOR

APPRECIATION DINNER

AWARDS NIGHT

CHENG MUHLACH

DANITA PANER

DIREK JOEL LAMANGAN

DON LUIS

SHY

VALIENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with