^

PSN Showbiz

Bagong hitsura ni Charice, pinagde-debatehan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Mainit na pinagde-debatehan ngayon ang bagong hitsura ni Cha­rice. May ilang in favor at meron namang hindi. Gulat sila. Maraming hindi maka-get over nang makita ang bagong hitsura niya.

Kaya ayun, siya ang bida sa mga kuwentuhan.

Singer inaaya ang fans na magpa-picture sa kanya

Feel na feel na raw ng isang singer na sikat siya.

Minsan ay nakita siya ng source na nasa labas ng studio kasama ang ilang fans. Pero imbes na ang fans ang magpa-autograph sa singer, ang singer pa ang nag-volunteer sa mga fans na magpa-picture sila.

Eh kaso ’yung ilang fans na nakatayo, nakikiusyoso lang dahil nakita ang singer na nakiki-tsika sa ibang kasama niya. So, nang mag-alok ang singer kung gusto nilang magpa-picture, walang nagawa ang mga fans. Nakipag-picture na lang sila.

Parang natanim na raw sa isip ng singer na sikat siya.

Fans nanggugulo lang

Nakakalowka ang mga sinasabi ng ilang fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu tungkol kay Sarah Geronimo.

Lahat na yata ng masasamang salita sinabi nila. Pero parang hindi naman apektado ang mga sinisiraan nila. The more na sinisiraan nila, parang lalo namang sumisikat sina Sarah at Gerald. Si Sarah nag-iba ang level sa Sarah G. Live at si Gerald sa Budoy.

At ang isa pang hindi nila alam, nakakasawa na ang ginagawa nila at nakakadagdag sa maraming e-mails na natatanggap namin araw-araw.

Sana manahimik na sila.

vuukle comment

BUDOY

FANS

GERALD ANDERSON

GULAT

KIM CHIU

PERO

SARAH G

SARAH GERONIMO

SI SARAH

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with