^

PSN Showbiz

Angel naiilang sa drama, gusto nang mag-action

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Pang-apat na linggo na ngayong ipinalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Unofficially Yours nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Ayon sa aktres, ito ang pinaka-kumita niyang pelikula sa takilya sa lahat ng kanyang mga nagawa. Magiging mapili na kaya ang aktres sa kanyang mga susunod na role sa pelikula?

“Hindi naman. Kapag gumawa ka naman talaga ng next project kailangan mo talaga pag-isipan ’di ba? Kung maganda din for you, kung kaya mo panindigan ’yung character, kung ano ba ang matututunan mo from it. I’m hoping na kung anuman ’yung iginanda nang pagkakagawa ng Unofficially Yours, better projects pa ’yung gagawin ko, something different,” pahayag ni Angel.

Ngayon ay may inihahanda na ang Star Cinema na susunod na pelikula ng aktres.

“Actually, gusto ko po muna sana magpahinga sa movie pero may pinag-uusapan po. Kapag final na saka ko siguro puwedeng sabihin. Sa teleserye, gusto ko gumawa ng action. Medyo naiilang ako kapag nilalagay ako sa drama. Hindi ako sanay, naninibago pa ako, pero gusto ko sana talaga action ang concept,” pagtatapat ni Angel.

Maliban kay John Lloyd ay may iba pang gusto si Angel na makasama sa kanyang susunod na proyekto. “Kung sino nakatrabaho ko before okay sana para nandun na ’yung connection, pero gusto kong makatrabaho sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

“Sa leading man naman, I think gusto ko sina Coco Martin, Jericho Rosales, Piolo Pascual, at Diether Ocampo,” sabi ng aktres.

Toni idinenay ang special treatment

May mga balitang lumabas na diumano ay paborito si Toni Gonzaga ng Kapamilya Network kaya maraming ginagawang TV shows ang dalaga. Bukod sa Happy Yipee Yehey na nagtapos noong isang buwan, may ASAP Rocks, The Buzz, at Pinoy Big Brother (PBB) si Toni.

“Wala namang special treatment sa akin. Ako? Naku po! Wala, na-experience ko naman ’yung pagtrabahuhan ’yung mga proyekto na meron ako at kung ano ang meron tayo ngayon. Siyempre we’re thankful dahil kahit paano nabibigyan pa rin tayo ng oras, panahon at tiwala ng ABS-CBN.

“So, binabalik ko naman ’yun sa kanila sa pamamagitan ng pagiging maayos, nang mabuti, at hindi sakit ng ulo,” paglilinaw ni Toni.

Ngayong buong Marso ay tampok din ang dalaga sa month-long special ng Wansapanataym.

“Nagkataon lang. Alam mo naman ang panahon minsan sa buhay ng isang artista, laging weather-weather lang ’yan. Minsan may panahon talaga na nagkakasabay-sabay. Siguro kaya lang nagkakasabay-sabay ngayon is because nagsimula ang PBB season and then eventually matatapos din naman, so, may pahinga rin naman. Ngayon lang nagkasabay-sabay,” paliwanag ng singer-TV host-actress.

Hindi naman daw natatakot ang aktres na ma-over expose dahil naniniwala siya sa lahat ng desisyon ng ABS-CBN management para sa kanya.

— Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

COCO MARTIN

DIETHER OCAMPO

HAPPY YIPEE YEHEY

NAMAN

TONI

UNOFFICIALLY YOURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with