Legacy kinilalang Best Soap Opera sa Mindanao!
MANILA, Philippines - Lalong pinaiigting ng
GMA Network
, ang paghahatid ng mga dekalidad na programa para sa mga manonood.
Kaya naman ang isa sa mga programa ng Kapuso network, na Legacy, ay tinanghal bilang Best Soap Opera sa Parangal ng Media na ginanap sa University of Mindanao sa pangunguna ng mga Mass Communication students.
Milyun-milyong manonood ang patuloy na tumututok sa mga makapigil-hiningang eksena sa glossy-drama masterpiece na Legacy. At sa patuloy na pagtindi ng mga kaganapan sa buhay ng mga magkakapatid na sina Diana (Heart Evangelista), Natasha (Lovi Poe) at Bernadette (Alessandra de Rossi), sino ang mananatiling matibay at sino ang magpaparaya?
Panoorin ang Legacy mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng My Beloved sa GMA 7.
- Latest