Azkals nabawasan ang kasikatan
Malaki ang magiging epekto sa mga popular na footballers na Philippine Azkals ang reklamo sa kanila ng anak ng isang dating pangulo at isang sports official ng bansa.
Hindi ito isang basta babae lamang na puwedeng ipagwalang bahala ang reklamo. Kailangang ipagtanggol ng mga nasasangkot na Azkals ang kanilang sarili hindi lamang para sa sarili nilang kapakanan kundi para sa napakaraming kabataan na humahanga sa kanila.
Dapat malaman ng Azkals na kaakibat ng kanilang popularidad ang ilang mga pag-uugali na dapat ay kapuri-puri at walang bahid ng hindi kagandahang asal. At dahil hindi sila purong Pilipino, dapat ipabatid sa kanila na dito sa ating bansa at maging sa maraming bansa sa mundo, ang babae ay inilalagay sa pedestal at binibigyan ng karampatang paggalang.
Kapamilya hindi mapipilayan kahit layasan ng 2 executives
Dalawang malalaking tao ng ABS-CBN ang nababalitang lilipat na ng TV5. Ito ang dahilan kung bakit panaka-naka ay mga Kapamilya nang napapanood na naggi-guest sa Singko, lalo na sa programang Wil Time Big Time.
Kung sakaling maging totoo ito, eh di hahanap na naman ng makakapalit ng mga aalis ang Dos? Wala namang indispensable sa showbiz natin. Walang artista o tao na maaaring makapilay sa alin mang istasyon sa kanilang pagkawala. Lalo na sa Dos na bukod sa maraming puwedeng tumaas ang katungkulan ay marami ring artista na naghihintay lamang ng tamang break.
’Yun nga ang sinasabi ko, maraming mga baguhang sinasanay ang Dos para ilabas sa tamang panahon at pagkakataon. Para naman kung may mawala silang artista o tao, hindi sila mapipilayan.
Acting ni Gerald winner!
I’m sure bobongga si Gerald Anderson sa susunod na bigayan ng awards para sa mga palabas at artista sa telebisyon. Kung inaakala n’yong napakagaling na niyang mag-portray sa Budoy, sana nakita n’yo ’yung pag-arte na ginawa niya sa huling linggo ng kanyang serye. Talagang ang husay-husay niya. Wala na sigurong mas huhusay pa sa ginawa niya, winner talaga siya!
- Latest