International actor magbibida sa local indie film
Si Ananda Everingham pala ang sinasabi sa Twitter na international actor na narito at nakita siyang nakipag-meeting Wednesday night kay direk Adolf Alix, Jr. sa Dulcinea. Nalaman naming ang actor ang kinuha para magbida sa 2012 Cinemalaya entry na Kalayaan.
Nasa meeting/storycon din sina Luis Alandy at Zanjoe Marudo na kasama rin sa cast. Sa March 19 na raw sisimulan ang shooting ng pelikula na hindi pa namin alam ang story. Hindi rin namin batid kung babalik na lang dito ang actor para sa shooting o hindi na ito aalis at tatapusin ang shooting ng movie.
Kilala ng Pinoy fans si Ananda at marami na ring nagawang pelikula kabilang ang horror movie na Shutter. Dumalo rin siya sa CineManila a few years ago at ‘dun yata sila nagkakilala ni direk Adolf.
Claudine at Mark magkakatuluyan na sa pelikula
Mukhang matutuloy na ang muling pagsasama sa pelikula nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa pagpirma ng five-picture partnership nina Dondon Monteverde at Vincent del Rosario. Sakop ng partnership ang Reality Films ni Dondon at ang Viva Films ng mga Del Rosario.
Horror movie raw ang gagawin nina Claudine at Mark Anthony entitled Papag to be directed by Topel Lee at kasama sa cast si Heart Evangelista. Parehong may kontrata sa Viva Entertainment sina Claudine at Heart at manager ni Mark si Dondon, kaya walang magiging problema sa project.
First movie ito ni Heart sa Viva Films at natatandaan namin, super excited itong muling gumawa ng pelikula nang pumirma ng kontrata sa Viva.
Sef maligaya sa career
Sobrang happy si Sef Cadayona sa takbo ng kanyang career dahil may pelikula na, may TV shows din siya. Kasama si Sef sa cast ng My Kontrabida Girl at isa sa mga magpapakita ng puwet at nasa Alice Bungisngis at Party Pilipinas din siya, kung saan, nakikilala na ang husay magsayaw.
Pinuri ang ganda ng own choreography ni Sef sa PP kasama si Julie Anne San Jose saliw sa kantang This Bed ni Alicia Keys. Nang marinig niyang kinanta ‘yun ni Julie Anne, wala siyang naisip na makasama sa number na ‘yun kundi ang dalaga.
Biniro namin si Sef na love life na lang ang kulang sa kanya after “mabasted” kay Michelle Madrigal. Sina Ryza Cenon at Kris Bernal ang bagong crush ni Sef, pero taken na ang una at ang huli’y sa career daw muna magko-concentrate.
Sa March 14, ang opening ng My Kontrabida Girl sa direction ni Jade Castro at sa March 12, ang premiere night sa SM Block.
Vice Ganda ayaw nang pag-usapan ang mga nega
Hindi sinagot ni Cristalle Belo ang tanong ng press kung magkano ang talent fee ni Vice Ganda bilang bagong endorser ng Belo Medical Group. Ang sabi lang nito, fairly compensated ang endorsers nila whether by products, service or cash. Ibig sabihin, ang endorser na ang mamimili kung ano ang gusto nilang kabayaran.
Nilinaw din ni Cristalle na hindi naging problema ang kontrobersiya na kinasangkutan ni Vice Ganda sa pagkuha nila ritong endorser. Si Ogie Diaz pa lang daw ang manager nito, kinukuha na nila ang comedian, pareho lang silang naging busy, kaya ngayon lang natuloy.
Umaray naman si Vice, hindi raw ba puwedeng positive issues naman ang ikabit sa kanya at hindi puro negative? Ang scars sa face at balahibo sa binti ang mga ipapaalis ni Vice gamit ang Fractional CO2 na ang Belo lang ang meron sa ‘Pinas.
- Latest