SMB Battle of the Bands umpisa na
MANILA, Philippines - Inaanyayahan ang mga amateur bands na sumali sa San Miguel Beer Battle of the Bands na gaganapin sa summer promotion na Sarap Mag Babad sa pitong lugar sa Pilipinas.
Upang makasali, isang banda (pop, acoustic o reggae) may tatlo hanggang limang miyembro ay maaring mag-audition sa darating na Marso 9, 16, 23, 30, at Abril 13, 20 at 27. Maaring mag-audition sa Super Six Grill sa Malate (Maynila), Valdez Center (San Nicolas, Ilocos Norte), Manokan Country (Bacolod City), Ormoc Food Park (Ormoc City), Tagbilaran Port (Tagbilaran City, Bohol), Matina Town Square (Davao City) at Tagum City Trade and Cultural Center (Tagum City, Davao del Norte) .
“Napakaraming musical talents sa buong Pilipinas at naniniwala ang San Miguel Beer na dapat ay bigyan natin sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang talento sa madla,”wika ni SMB President Roberto N. Huang.
Ang semifinals ay gaganapin sa Mayo 4, 2012 at ang grand final naman as sa May 11. Ang kabuuang papremyo na P535,500 ang paglalabanan sa elimination at final rounds. Makakakuha ng registration forms sa www.sanmiguelpalepilsen.com.ph, San Miguel Pale Pilsen Facebook account www.facebook.com/sanmiguelpalepilsen at website ng Radio Mindanao Network (RMN) (www.rmn.ph).
- Latest