Young actor na-master na ang pang-iiwan sa mga manager
Hindi na nagulat ang isang talent manager nang mabasa ang blind item namin sa young actor (YA) na iniwan ang manager matapos mahanapan ng projects sa TV at endorsements dahil ginawa na rin ito ni YA noong wala pa siya sa TV.
Noong wala pa sa showbiz, may manager itong nakapagbigay ng maraming endorsements, nang gusto nang mag-showbiz ay iniwan din ang manager na naka-discover sa kanya. Kinausap ng kampo nito ang isa pang talent manager na may showbiz connection at gustong lumipat sa kanya.
Ang masama, pinakiusapan nito ang talent manager na ’wag sasabihin sa original manager na iiwan ito at lilipat sa kanya. Pero friend ng talent manager ang original manager ni YA, kaya tinanggihan siya.
Ang nahanap na manager ay itong bagong iniwan, winarningan siya ng talent manager na ’wag tatanggapin si YA dahil baka gawin sa kanya ang ginawa nito sa original manager na kahit hindi pa tapos ang kontrata ay nilayasan. Iniwan nga ni YA ang pinakahuling manager at bago na ang manager nito ngayon na hopefully, makapagbigay sa kanya ng maraming projects para hindi iwanan.
Dennis nire-request sa Indio
Mabilis kumalat sa Internet na may bagong sinusulat na epic serye si Suzette Doctolero para sa GMA 7. Siya ang headwriter ng Encantadia, Amaya, at Hiram na Puso at iba pang magagandang soap/epic serye ng network. Indio ang title ng bagong niluluto ni Suzette na sabi nito sa presscon ng Hiram na Puso, mahal at ’di niya alam kung igo-go ng mga bossing.
Nabasa rin namin ang post nito sa net na humihingi ng pang-unawa sa viewers ng Encantadia dahil hindi muna niya magagawa ang part 2 nito at uunahin ang Indio.
Balita niya, aprubado na ng management ng Channel 7 ang Indio kaya susulatin na niya. Ipinauna na ni Suzette na hindi ito straight historical drama, mas Pinoy epic ito.
Inaabangan ngayon kung sino ang Kapuso actor na babagay na bida sa Indio.
May nagre-request na kay Dennis Trillo ibigay ang project.
Grace Lee Kapuso pa rin, hindi natuloy sa Kapatid
Nabasa namin ang short tweet ni Grace Lee kahapon na “For those asking, yes I will continue with my show on GMA.
Ang dating sa amin at ibang nakabasa, nag-renew o magre-renew siya ng kontrata sa Kapuso Network at ibig sabihin, hindi siya matutuloy lumipat sa TV5.
Si Grace ang second talent ni Arnold Vegafria na natsismis na aalis sa GMA 7 para lumipat sa ibang network pero hindi rin natuloy.
Ang ingay din ng tsikang lalayas sa Kapuso Network si Carla Abellana, pero ang latest, siya ang leading lady ni Richard Gutierrez sa action-drama series nitong Rancho Paradiso.
Direk Mac babalik sa bakuran ng GMA 7
Sa Friday na ang first shooting day ng Just One Summer, ang launching movie nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose sa GMA Films. Mabilis ang pacing dahil bukas pa lang yata ang storycon, and the next day, shooting na agad.
Nabibitin ang fans sa Party Pilipinas at ilang guesting sa shows ng GMA 7 lang nila napapanood ang dalawa.
Balik-GMA 7 si Mac Alejandre na siyang magdidirek ng pelikula. Commitment na ito ng director bago pa man siya pumirmang exclusive TV contract sa TV5.
- Latest