Noli at Ted hindi natiis ang TV Patrol
Ang bilis talaga ng panahon, Salve A.! Akalain mo na 25 years na pala ang longest-running and award-winning news program ng ABS-CBN, ang TV Patrol?
Ang TV Patrol ay sinimulan nina Kabayan Noli de Castro, Mel Tiangco, Robert Arevalo with Angelique Lazo as segment host ng Star News portion in March 1987. Ang yumaong si Ernie Baron naman ang nag-provide noon ng weather forecast.
Two months later, si Robert ay pinalitan ng yumaong veteran TV and radio broadcaster na si Frankie Evangelista.
In 1995, pumasok si Ted Failon bilang kapalit ni Ka Frankie and two years later, pumasok naman si Korina Sanchez bilang kapalit ni Mel na lumipat naman ng GMA 7.
Nang mawala si Angelique sa programa, siya’y pinalitan ni Tintin Bersola-Babao. In 2001, parehong nawala sa TV Patrol sina Kabayan Noli at Ted na kapwa pumasok sa pulitika – si Kabayan sa pagka-senador at si Ted naman sa pagka-kongresista (representing 1st district of Leyte) at kapwa nanalo. Si Kabayan ay tumuloy sa pagka-pangalawang pangulo at si Ted naman ay bumalik sa TV and radio broadcast after one term sa pagka-kongresista.
Nang matapos naman ang six-year term ni Kabayan Noli sa pagka-vice president, binalikan din nito ang kanyang unang pag-ibig, ang radio ang TV broadcast, binalikan niya ang kanyang radio program sa DZMM at ang TV Patrol.
Sa loob ng 25 years, maraming mga pagbabago ang TV Patrol na naging bahagi na ng bawat Filipino tuwing sumasapit ang ika-6:30 ng gabi.
‘Senior’ stars sa ASAP nag-aalisan na
Isa-isa na ring nabubuwag ang “the champions” team dati sa ASAP na kinabibilangan nina Sarah Geronimo, Christian Bautista, Erik Santos, Rachelle Anne Go, at Mark Bautista. Naunang nawala sina Rachelle at Mark na lumipat ng Party Pilipinas ng GMA 7 at nung Feb. 19 naman ay nagpaalam sa programa si Sarah dahil sa solo musical show nitong Sarah G. Live.
Lately, hindi na itinatago ni Christian ang kanyang hinanakit sa kanyang home studio dahil bukod sa nababawasan na ang kanyang exposure sa ASAP ay hindi na rin nasundan ang kanyang TV series na Kampanerang Kuba with Anne Curtis.
Joey G. ng Side A balik-Japan
Pagkatapos ng kanilang matagumpay na pagtatanghal sa Tokyo, Japan last July 31 kasama sina Rhian Ramos, Aljur Abrenica, Arnell Ignacio, at Arnold Clavio, balik-Japan naman ang frontman ng Side A Band na si Joey Generoso at ang tinaguriang Soul Siren na si Nina sa Marso 20 (Martes) sa isang special show sa Club Diamond Hall sa Nagoya, Japan na pinamagatang Breakthrough: Surpassing Every Challenge presented by Seven Bank, Globe Telecom, at IPS, Inc.
- Latest