^

PSN Showbiz

Mel Tiangco tatanggap na ng milyun-milyong piso mula sa ABS-CBN

-

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Court of Appeals (CA) ang isang kasunduan na aareglo sa 16 na taon nang labor claim ng brodkaster na si Carmela (Mel) Tiangco laban sa dati niyang network na ABS-CBN.

Sa 11 pahinang desisyong isinulat ni Associate Justice Florito Macalino, ipinalabas ng Special Third Division ng CA ang hatol na nag-aatas kay Tiangco at sa ABS-CBN na tumalima sa mga probisyon ng partial settlement agreement.

Hindi binanggit ng CA kung magkano ang matatanggap ni Tiangco mula sa broadcasting company.

Nabatid na ang partial settlement agreement ng magka­bilang panig ay may petsang Disyembre 15, 2011 at siyang inaprubahan ng CA.

Naunang nabanggit ng abogado ni Tiangco na si Arno Sanidad na ang sangkot na halaga ay mas maliit pa sa P8.3 milyong binabanggit sa media.

Sa ilalim ng kasunduan, kinikilala ni Tiangco na binayaran na ng ABS-CBN ang kanyang mga mo­netary claim tulad ng sahod na katumbas sa period ng kanyang suspension, 13th month pay, travel allowance, refund ng contribution sa ESOP (emplo­yees’ stock option plan), at signing bonus.

Sinasabi sa rekord ng kaso na lumipat si Tiangco sa GMA 7 makaraang suspendihin siya sa loob ng tatlong buwan sa kanyang anchor assignment sa programang TV Patrol ng ABS-CBN at radio prog­ram na Mel and Jay.

Inakusahan si Tiangco ng paglabag sa internal company rule na nagbabawal sa mga talents and regular employees ng ABS-CBN na lumabas sa mga komersyal.

ARNO SANIDAD

ASSOCIATE JUSTICE

CARMELA

COURT OF APPEALS

DISYEMBRE

FLORITO MACALINO

INAKUSAHAN

MEL AND JAY

SPECIAL THIRD DIVISION

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with