^

PSN Showbiz

Kilig ni Sarah kay Gerald makakaapekto kay John Lloyd

- Veronica R. Samio -

Inamin ni Gerald Anderson sa programang Gandang Gabi Vice na hindi pa sila ni Sarah Ge­ronimo. Wala pa sila sa puntong masasabi na may nagaganap nang ligawan sa pagitan nila ng Pop Princess.

“Hindi pa kami, balak ko pa lamang siyang ligawan,” sagot ng aktor sa pangungulit ng host ng programa na kahit nagkaroon na ng farewell performance ay nananatili pa rin sa kanyang pag-ere.

Bago sa Gandang Gabi Vice, nakita rin si Ge­rald na sinorpresa si Sarah sa ginawa niyang pag-appear sa Sarah G. Live. Sa host mismo nangga­ling na hindi niya expected ang pagbisita ng young actor pero feel na kilig na kilig hindi lamang ang mga nasa loob ng studio kundi maging si Sarah mismo sa presence ng tinatawag niyang Babe and who calls her Baby Girl in return. Halos hindi na ito makakanta at walang naririnig ang lahat ng manonood kundi ang kanyang bungisngis.

Ano naman kaya ang reaksiyon ni Sarah sa claim ni Vice Ganda na ang Gandang Gabi Vice nito ang pinakamasayang palabas na mapapanood sa TV tuwing Linggo ng gabi?

Samantala, marami ang nagsasabi na maka­kaapekto ng malaki sa gagawing pelikula ni Sarah kasama si John Lloyd Cruz kapag naging sila na ni Gerald. Sayang dahil tulad ng Unofficially Yours, si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdidirek ng pelikula at paano mapapalabas nitong cre­dible ang gagawin niyang love story kung ang bida niyang babae ay pinakikilig ng ibang aktor?

Kris hinihintay na sa men’s mag

Bakit kaya ayaw payagan ng GMA 7 na nag-cover sa isang kilalang men’s magazine si Kris Bernal? Wala yatang artistang babae ang hindi na­nga­ngarap maging cover nito. Si Kris naman ay hindi kailangang magprisinta sa nasabing mag dahil matagal na siyang may offer dito para mag-co­ver pero hindi siya pinayagan ng kanyang network.

Kung dahilan ito sa kanyang kabataan dati, nga­yon naman ay nasa hustong gulang na si Kris para okeyan ng management ang alok sa kanya.

Balikbayang aktres    nangalawang at nangapa sa aktingan

Walang problema si Gina Alajar sa kanyang anak na si AJ Eigenmann na kaga-graduate lamang ng veterinary nursing sa isang kolehiyo sa Las Vegas, Nevada. Inampon na ito ni Ana Marin at limang taon nang kasama nila ng kanyang mga anak sa kanilang bahay dun.  Ngayong naririto silang mag-iina sa Pilipinas ay wala silang problema dahil tiwala silang magiging isang mabuting taong bahay ang anak ni Gina na hindi sumama sa kanilang umuwi dahil magpapahinga muna matapos ang walang humpay na pag-aaral.

Matatagalan dito si Ana dahil binalikan niya ang kanyang pag-aartista. Kasama siya sa bagong teleserye ng GMA 7 na Hiram na Puso na kung saan ay ginagampanan niya ang role ng ina ni Mark Herras.

Inamin ng maganda pa ring artista na medyo kinalawang siya at nangapa sa muling pagharap niya ng kamera.

“Parang isang bagong trabaho ang ginagawa ko. Nakalimutan ko tuloy na kailangang ha­napin ko ang ilaw ko. Parang pagmamaneho na dahil matagal kang hindi nakakahawak ng manibela, kailangang mag-aral muli,” sabi ng ina na umaming hindi namana ng mga anak niya ang hilig niya sa pag-arte.

Ang panganay na si Ronyan ay sumubok lamang pero na-realize na wala rito ang hilig niya.

Denise eeksena uli sa trabaho ni Cristine

Kasama rin pala ang tandem nina Rafael Ro­sell at Denise Laurel sa cast ng Dahil sa Pag-ibig. Mukhang kakabugin ng dalawa ang mga hu­­­mahawak ng major roles sa teleserye na sina Christopher de Leon, Piolo Pascual, Jericho Ro­sales, Cristine Reyes, at Maricar Reyes. Ma­ganda ’yung ipinalalabas na trailer ng serye na nag­tatampok sa kanila at madalas mapanood sa TV.

Sa unang tingin ay parang trailer ito ng Kristine na kung saan ay nagkaroon ng maintrigang pamamaalam si Denise. Pero ’di tulad sa Kristine na dalawa sila ni Cristine ang nagtunggali, ngayon sali na sa labanan si Maricar.

ANA MARIN

BABY GIRL

CATHY GARCIA-MOLINA

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAHIL

DENISE

GANDANG GABI VICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with