Ogie nae-excite kay Solenn
PIK: Kung hinihimatay si Kylie Padilla sa mga madadramang eksena niya sa The Good Daughter, si Raymond Bagatsing naman ay halos himatayin din sa taping nitong drama series na laging inaabot ng umaga.
Hindi naman nagrereklamo si Raymond dahil type niya ang role niya rito at lalong gumaganda ang takbo ng kuwento kaya okay lang sa kanya na inaabot sila ng umaga.
Kaya lang nasasakrapisyo na ang ibang trabaho nito dahil kailangan niyang magpahinga nang sumunod na araw.
Kinukuha sana si Raymond para sa pelikula ni Gov. Vilma Santos sa Star Cinema pero pinag-iisipan nito kung kaya niyang gawin dahil nga sa inuumaga siya sa taping ng The Good Daughter.
Hindi naman daw niya puwedeng isakripisyo itong drama series nila dahil gustung-gusto niya ang role niya rito. Kaya pinag-iisipan pa niya kung kaya ba niyang gawin ang pelikula kay Gov. Vi na ididirek ni Chito Roño.
PAK: Hindi naman dini-deny ni Ogie Alcasid na crush niya si Solenn Heussaff.
Ginagawang biro lang ni Regine Velasquez ang pagseselos pero aware naman kasi ang Songbird na si Solenn ang pinaka-type nga ni Ogie, pero hanggang dun lang naman iyon.
“Alam naman ng misis ko na hanggang hanga lang ako. Minsan lolokohin ako na parang excited daw ako. Hanggang tuksuhan lang naman kami,” natatawang sagot ni Ogie.
Si Solenn ang napiling leading lady ni Ogie sa pelikulang Boy Pick-Up na malapit nang magsimula.
BOOM: Hindi naman itinatanggi nina Paolo Contis at Lian Paz na matagal na silang kasal sa huwes.
Bago pa isinilang ni Lian ang panganay nilang anak na si Xonia ay nagkaroon na ng civil wedding pero hindi naman nila kailangang i-open ’yun sa publiko.
Ngayon lang naman kasi sila natanong tungkol dun kaya inamin naman nila.
Pero pinaplano na nila ngayon ang church wedding na baka gawin nila sa susunod na taon para tamang-tama, naglalakad na ang dalawa nilang anak na sina Xonia at Xalene.
Masayang sinelebreyt nina Paolo at Lian ang birthday ng dalawa nilang anak, dahil parehong March 7 ang kaarawan nila.
Pero nung nakaraang Linggo sila naghanda na ginanap sa Grand Ballroom ng Eastwood Richmonde Hotel.
Bale 2nd birthday ’yun ng panganay nilang si Xonia at first birthday naman ng bunso nilang si Xalene.
- Latest