^

PSN Showbiz

After six years, Alex ga-graduate na sa kolehiyo!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

BAGUIO CITY — Ga-graduate na finally si Alex Gonzaga after six years in college this month. Four years lang supposedly ang kinuha niyang course na Humanities sa University of Asia and the Pacific pero bilang active ang career niya simula nang maging major star ng Kapatid Network, inabot ng anim ang four-year course na kinukuha niya.

At kung hindi pa siya kinausap ng eskuwelahan na hindi allowed sa kanila ang isang estudyante na nag-i-stay ng more than six years, malamang hindi niya pa tinapos ang nasabing kurso.

So, wala siyang choice. Kahit busy ay nag-decide na siyang tapusin. Kaya this month, magma-martsa na siya.

“Pero pa­rang hindi na ako sasama sa graduation,” sabi niya nang maka-tsika namin sa event ng Sugod mga Kapatid sa Baguio last Sunday afternoon.

Dahil ga-graduate na siya, na-encourage na ring bumalik sa school ang kapatid niyang si Toni.

Anyway, wala pa ring love life si Alex hanggang ngayon. As in never pa siyang nag-boyfriend since birth.

“Meron na sana pero biglang nawala kasi law student siya. So, magko-concentrate na lang muna siya, eh ako rin naman wala rin akong time,” kuwento niya.

Almost four years din siyang niligawan ng nasabing guy na dati ay barkada niya. Favor na rin sana ang nanay niya pero ayun nga, tatapusin muna nito ang pag-aabogado. Two years lang naman ang hihintayin niya.

“Pero iniisip ko, baka naman ’pag hinintay ko baka na-in love na siya sa ibang babae,” emote ng younger sis ni Toni.

“Ngayon walang nanliligaw sa akin eh. So, wala muna.”

Samantala, pinag-uusapan na ang susunod niyang serye after ng PS I Love You. Ngayon meron siyang game show every Sunday, Toink with Chris Tiu at ang talk show na Juicy na apat na taon na pala sa ere.

So, totoo ba ang issue na aalis na siya sa Juicy dahil madaling araw na itong napapanood?

“Ay hindi ko po alam. Basta kung ano ang plano ng TV5 sa akin, susundin ko,” sagot niya.

Bukod sa isang serye na gagawin niya, pinag-uusapan na rin ang pelikulang gagawin niya for TV5’s film arm and Viva Film. Pero ma­lamang na hindi na si Direk Wenn Deramas ang hahawak dahil busy nga naman ito.

Noon kasi, sinasabing si Direk Wenn ang ‘magbibinyag’ sa kanya sa pelikula.

Mga prinsesa ng TV5 nagpa-impress sa mga taga-baguio

Speaking of Baguio, mukhang booming ang negosyo ng piracy dito ha?

Sa last day ng Panagbenga Festival, isinara ang upper Session Road. Gina­wang tiangge ang nasabing lugar. At hulaan ninyo, may malaking stall ng mga pirated DVDs.

Parang hindi illegal ang ibinebenta, lantaran talaga at pinagka­kaguluhan.

Sa Session Road kasi ginanap ang finale ng celebration ng Panag­benga Festival o flower festival na dinarayo rito sa Baguio.

Ang TV5 ang media partner nila this year.

Malaking musical show ang inihanda ng Kapatid Network at may mga game shows pa at maraming giveaways. Nagdala sila ng mga banda at nag-perform ang kino-consi­der ng TV5 na mga prinsesa – Alex Gonzaga, Arci Muñoz, Danita Paner, Eula Caballero, and Ritz Azul.

Lahat sila kumanta at nagpa-impress sa Baguio. Sayang lang at balot na balot sila. Si Alex lang ang seksi-seksihan sa kanyang damit na kumanta ng live ng Super Base, si Arci rin actually live na nag-ala Adele as in pati get up niya that night Adele na Adele. Balot na balot lang siya ha? Mas maigi sana kung medyo sexy siya ng konti dahil ang ganda at sexy naman niya.

Sina Danita, Eula, at Ritz, kumanta rin. Si Eula pala puwedeng host kasi may connect siya sa audience. May acting contest sila na inspired sa Nandito Ako.

Anyway, mataas na ang level ng awareness ng mga taga-Baguio sa TV5 lalo na sa programang Nandito Ako na bida sina David Archuleta, Jasmine Curtis, and Eula.

Dinagsa ang mga taga-Baguio sa nasabing musical show. Pinabongga pa ang celebration ng maraming fireworks.

ADELE

ALEX GONZAGA

ARCI MU

BAGUIO

KAPATID NETWORK

NANDITO AKO

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with